Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice, Ion nagharutan sa Singapore

0 150

NI:ARCHIE LIAO

Nagkaroon ng short getaway ang partners na sina Vice Ganda at Ion Perez sa Singapore . Nai-feature ng komedyante sa kanyang vlog sa episode na “Mabilisang Trip to Singaporeber.”

Si Ion ang nagsilbing videographer ni Vice pero sa huli ay tila nagkanya-kanya na sila dahil hirit ng huli ay bet pa ng dyowang agawan siya ng content considering na vlogger na rin ito.

Pagdating nila ng Changi International Airport, may sumalubong sa kanilang airport staff na nago-offer ng free refreshments.

Hindi naman nagdalawang-isip si Vice na kumuha ang snacks dahil sey niya, sayang din ang libreng refreshments lalo pa’t medyo may kamahalan ang food sa nasabing Lion City.

Sey tuloy ng kibitzers, nagkuripot ang Unkabogable star na ginawa lamang parang Divisoria ang Singapore from Quezon City.

Sa bandang Marina Sands sila tumuloy at sa vicinity lang sila naglagalag.

Ayon kay Ion, first time raw niyang mag-travel sa Singapore samantalang nakailang-beses na si Vice.

Asikasong-asikaso naman ni Vice si Ion kung saan ipinaghanda pa nito ang pagkain ng mister na kulang na lang ay subuan.

Sa paeklat naman ni Ion, sinabi nito na may mga prominente siyang kamag-anak sa Singapore .Dinala niya si Vice sa Ion store na nagbebenta ng designer clothings at accessories na matatagpuan sa Orchard Road sa nasabing lungsod.

Marami naman ang kinilig sa landian ng dalawa na kahit maikli lang o almost two days ang inilagi sa Singapore .Obviously namang nag-enjoy sila sa kanilang bonding.

Leave A Reply

Your email address will not be published.