Abante Tonite Interactive

Vice-Ion nangabog ng Halloween costume sa Shibuya

0 257

Feeling Disney princess si Vice Ganda bilang nahanap na niya ang kanyang prince charming sa katauhan ng boyfriend niyang si Ion Perez.

Sa Japan nag-Halloween ang magdyowa, na si Vice ay naka-Princess Jasmine costume at siyempre ay Aladdin niya si Ion.

Naki-join sila sa sandamakmak na taong nagpa-party sa Shibuya Crossing sa Tokyo na pabonggahan ng Halloween costume ang mga Hapon at ang mga dumadayong turista.

‘Yung isang beki friend ni Vice ang genie nila at kulay blue ang makeup nito. Dala-dala ni Ion ang props niyang gintong lampara, na gigil na gigil na hinimas ni Vice.

Nakita namin sa IG Stories ni Vice na swit-switan silang magsyota roon sa Shibuya, kasi nga ay open na sila sa relasyon nila at hindi na nila kailangang magtago.

Ang mga tropang beki ni Vice ang kasama niya at mukhang si Ion lang ang lalaki, hindi tulad last year at nu’ng mga nakaraang taon na kasama niya ang Hashtags at ang dami-dami nila.

Siyempre, may boyfie na siya, so hindi na niya kailangang magbitbit ng napakaraming boys abroad. Ibig sabihin ay nakatipid si Vice dahil hindi na ganu’n karami ang kailangan niyang dalhin sa ibang bansa.

Doon din sa Shibuya nag-Halloween ang mag-sweetheart na Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Princess Jasmine at Aladdin din ang peg ng dalawa, pero mukhang hindi sila nagkita-kita roon ng grupo nina Vice at Ion.

Si Paolo Ballesteros ay nandu’n din with friends. Bongga ang Cruella de Vil ni Pao, pero ang sabi sa post nito ay hanggang train station lang siya.

Chika sa amin ni Paolo, nalibot daw nila ang buong Shibuya pero napakaraming tao. Talagang nakipagsiksikan daw sila kaya walang time para magpapiktyur.

“Kasi, ‘pag humihinto kami, nai-stuck na kami. Dumog kasi ang mga Hapon sa pagpapapiktyur! Kalokah! At nakapaa lang ako the whole night, potah! Ha! Ha! Ha!” kuwento sa amin ni Pao.

Hindi niya nakita sina Vice du’n sa Shibuya?

“Hindi nga, eh! After ko na lang nalaman sa IG na nandito pala siya! Hehe!”

Oo, ‘no! At may jowa si Vice, siya wala!

“Oo nga, eh! Shet! Ampogi pa ni Ion! Hehehe!” sey pa ni Paolo.

JaDine may Undas payanig

Ang mag-sweetheart na Nadine Lustre at James Reid ay dumalo sa pa-Halloween Ball ni Tim Yap kahit birthday ni Nadine.

They were dressed up as Baz Luhrmann’s Romeo + Juliet, sa Apocalypse Halloween Ball ni Tim na ginanap sa Swatch Building sa Makati.

“She’s an angel and I’m her knight in shining armour… HAPPY BIRTHDAY, LOVE!” ang sey ni James sa kanyang IG post, na sinagot ni Nadz ng, “ILY!”

Wagi si Nadine ng trip abroad. Ang pogi-pogi ni James, na very supportive sa kanyang sexy girlfriend, na 26 years old na nu’ng Thursday.

Ilan sa mga dumalo sa Undas payanig ni Tim ay sina Sam Concepcion, Ella Cruz at Sanya Lopez, na seksi-seksihan sa kanyang Eve costume na may kasamang ahas.

Raymond kinabog ang party ni Tim

Mas well-attended ang pa-Halloween party ni Raymond Gutierrez na Opulence kumpara sa kasabay nitong pa-Ball ni Tim Yap.

Mala-Marie Antoinette na French royalty ang peg ng pabulosang papiging ni Mond sa Solaire.

Mereseng buntis at malaki na ang tiyan ay dumating pa rin si Solenn Heussaff, na hindi mapahindian ang kaibigang si Raymond.

Ang cute nu’ng dress ni Solenn na last minute lang daw ginawa at in-adjust sa kanyang waistline ngayon na 38”.

Christmas flowers daw nila sa bahay ‘yung nasa ulo ni Solenn. Labas ang abs ng mister niyang si Nico Bolzico sa suot nitong cropped suit.

Gandara si Sarah Lahbati na mukhang Mahal na Birhen, pero see-thru ang skirt nito at kita ang mala-swimsuit na sexy outfit. Napakaguwapong bampira ng escort niyang si Richard Gutierrez.

Dumating din in costumes ang engaged couple na sina Angel Locsin & Neil Arce, ang magdyowang Billy Crawford & Coleen Garcia, Iza Calzado & Ben Wintle, at Kapuso lovebirds Janine Gutierrez & Rayver Cruz.

Naki-costume party rin si Bea Alonzo, na may pa-cleavage pero medyo hirap sa kanyang malaking sumbrero.

Kabogera si Isabelle Daza na hawak ang kanyang kiyemeng putol na ulo. Um-all out din si Ruffa Gutierrez na parang ang bigat ng damit at ng headdress.

Si Tita Annabelle Rama ay naki-party rin mereseng birthday niya nu’ng araw na ‘yon. Reyna Kagandahan daw ang peg nito.

Si Marco Gumabao ay nakalitaw ang dibdib, si Rhian Ramos ay may pa-legs. May matangkad na tisoy na ka-date si Rhian. Solo lang at walang date sina Elisse Joson at Denise Laurel.

Ang daming pumupuri sa kabonggahan ng Opulence ni Raymond at nagsasabing ito raw ang party of the year. Masyado raw itinaas ni Mond ang bar sa mga event at mahirap daw itong pantayan.

PAK!!