Abante Tonite Interactive

Vice-Ion susunod na ikakasal kina Vhong-Tanya?

381

Ang daming loyal viewers ng “It’s Showtime” ang natuwa sa ibinalita namin na ikakasal na si Vhong Navarro.

Kinilig ang fans dahil marami raw talagang naghihintay kung kailan ikakasal si Vhong, na mangyayari na finally sa November 29 sa Japan.

Sey ng “It’s Showtime” fanatics, sunod-sunod ang happy and positive news sa hosts ng show this year, na nataon pang nagsi-celebrate sila ng kanilang 10th anniversary.

Umamin si Vice Ganda na one year na silang magkarelasyon ni Ion Perez, ibinalita ni Anne Curtis na buntis na siya finally sa first baby nila ni Erwan Heussaff, at heto nga’t magpapakasal na sa wakas si Vhong a longtime girlfriend nito na si Tanya Winona Bautista.

Ang tweet sa amin ng mga faney, sana raw ay sunod na kina Vhong at Tanya si Jhong Hilario at ang girlfriend nito of 8 years na si Maia Leviste Azores.

43-anyos na si Jhong at bale 15 years ang age gap nila ni Maia, na nagtatrabaho bilang cabin crew ng isang airline company.

Si Maia ang favorite travel buddy ni Jhong at kung saan-saang bansa na sila nakarating together.

Kung si Vhong ay laging kasama si Tanya sa tuwing may ikinakasal na kasamahan nila sa “It’s Showtime”, si Jhong naman ay laging ka-join si Maia.

Ikinasal noon si Jhong sa British na si Michelle Westgate na nakilala niya sa London habang parte siya noon ng “Miss Saigon” sa West End. Naghiwalay sila nu’ng 2011.

‘Yung ibang fans ay kino-congratulate na sina Vhong at Tanya sa nalalapit na kasal ng mga ito, pero ‘yung iba ay naghihintay pa kung kailan ia-announce ni Vhong sa “It’s Showtime” ang tungkol dito.

Kaya raw pala sinasabi ni Vice Ganda na babalik sila ng Japan, may kasalan daw palang magaganap doon two weeks from now. Nito lang Halloween kasi ay nag-Japan ang magdyowang Vice at Ion.

Ang sabi ng netizens, after Vhong and Tanya ay susunod naman sina Konsi Jhong at Maia. Tapos, sana raw ay next in line na sina Vice at Ion.

Darating nga kaya ‘yung panahon na ‘yon na magpapakasal din ang inlab-inlaban ngayon na sina Vice at Ion?!

Kaabang-abang, huh! PAK!!

Paolo may bahid ng kabastusan

Madalas ma-bleep ang mga dayalog ni Paolo Contis sa “Bubble Gang” dahil usually ay sa kanya ‘yung mga pilyong punchline at may bahid ng kabastusan.

Bukod doon ay ang hilig ni Paolo na sumundot ng mga linya para mas maging katawa-tawa ang mga eksena, na kahit i-bleep ay alam daw ng Kapuso viewers kung anong sinabi niya.

Basta raw kamanyakang script ay sa kanya na ‘yon o kaya ay kay Archie Alemania, pero hindi raw ‘yon bastos, pampatawa lang talaga.

Pinaliwanag sa amin ni Pao ang ‘No Tigas Policy’ sa “Bubble Gang”, na ang sabi niya ay walang pinagkaiba sa kasabihan na, “Huwag kang magkalat sa sarili mong bakuran”.

Kasi raw ay magkakailangan sila ‘pag gano’n, so they keep it professional.

Aminado si Pao na totoong may boundary ng kabastusan ang mga joke nila sa long-running Kapuso gag show, but it’s not to offend daw but to make people laugh.

Hindi mo raw magagawa ‘yon kung hindi kumportable ang co-actors mo. Kapag nag-cut na raw at minamanyak pa rin ‘yung co-star ay nakakailang na raw ‘yon.

Kaya ‘naughty lang, no tigas’ ang usapan. Hindi raw sila tinatablan sa girls kahit magpa-sexy pa ang mga ito dahil parang kapatid ang turing nila sa mga ito at alam nila ang personal na buhay ng mga ito.

Ngayong gabi na ang first sa two-part 24th anniversary special ng “Bubble Gang” na “The ScAvengers”.

Si Bitoy ang main villain na si Allan Peter Kuya Thanos, si Paolo si Plantsa Man, si Antonio Aquitania si Thorpe, si Boy 2 Quizon si Capt. American Tiki Tiki, si Sef Cadayona si Hukay-Ukay/Boy Pana, si Betong Sumaya si Hulkluban, si Mikoy Morales si SquatterMan, si Kim Domingo si Black Panty, si Chariz Solomon si Gumorah, si Analyn Barro si Regyula at si Archie Alemania si Mang Stan.