Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice iwas scam sa ayuda

0 72

NI: VINIA VIVAR

Isinara na ni Vice Ganda ang kanyang donation drive para sa nasalanta ng bagyong Ulysses. Umabot sa P1,548,029.09 ang halaga ng kanyang nalikom at lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga nag-donate.

“Thank you madlang people sa mga nakiisa sa ating Fundkabogable donation drive na nakalikom na ng total of P1,548,029.09. Isa at kalahating miyon ang naging halaga nung pinagsama-sama ang mga donasyon niyo mga madlang people, little ponies ko, babies ko, supporters, family, friends, followers. Maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Vice Ganda sa It’s Showtime .

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pera niyo po ‘yan, hindi po sa akin ‘yan. Idinadaan niyo lang po para ako ang maghatid sa kanila. Kaya congratulations, mabuhay kayong lahat,” dagdag pa ng TV host.

Ipinaalam din ni Vice na kahit sarado na ang proyekto ay may nagpapadala pa rin via GCash kaya naman dadalhin na lang daw ang mga natirang pera sa Sagip Kapamilya. Nilinaw niyang hindi raw niya ii-scam-in ang pera.

“Huwag kayong mag-aalala wala pong matitira sa akin, ‘di ko po gagamitin ‘yan. Kung kilala niyo akong tao ‘di ko kayo ii-scam-in. Kaya makakaasa po kayo na makakadiretso po ‘yan sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong at donasyon,” sey ni Vice.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nakatanggap pa ng pangba-bash si Vice Ganda dahil sa ginagawa niyang paglikom ng pera. Komento ng mga netizen, dapat daw ay sarili niyang pera ang itinutulong niya tulad ng ginagawa nina Willie Revillame, KC Concepcion, Heart Evangelista atbp. na nagbebenta ng kanilang gamit. Sinagot naman ito ng TV host na may sarili rin siyang donasyon na ibibigay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.