Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ka-level nina Catriona, Pia

0 183

NI: ALWIN IGNACIO

May mahigit sa 14 na minutong video explanation sa YouTube channel niya si Catriona Gray na habang tinitipa ang pitak na ito, mahigit na 500K views at wala pa itong dislikes.

Ang 4th Philippines Ms. Universe inilahad sa kanyang “Pinuno para Sa Bayan” ang dahilan kung sino ang kanyang pinipiling kandidato. Ang adhakain niya para sa bidyo ay ang isa-isahin sa mga kalidad ng kanyang nasa puso.

Ang 3rd Philippine Ms. Universe Pia Wurtzbach, inilantad sa isang social media post na first time voter siya. Inamin niya talaga ang ibinoto niyang Pangulo noong siya ay nasa isang middle Eastern bansa.

Maging ang mga naging Ms.International natin, sina Precious Lara Quigaman-Alcaraz at ang kasulukuyang “broken” Kylie Verzosa ay alam na alam na rin ang sinsuportahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang tanong, ang mga paliwanag ba at saloobin ng ating mga beauty queen ay may bearing at kayang i-sway ang mga tao kung sino nga dapat ang iluklok na maging susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas?

Kanino nga talaga maisasakatuparan at magiging totoo ang “a better future, a cleaner government, better and equal opportunities and the better quality and security of life for all,” na siyang pangarap nina Catriona Gray, Pia Wurtzbach at iba pa?

Meron pa kayang major, major celebrities na ihahayag na ang kanilang sinsuportahan?

Ang Queen Bayot kasi, nagsuot ng isang jacket kamakailan na pamilyar ang kulay, Agad-agad tuloy na ang konklusyon ay ka-level niya sina Queens Cat, Pia, Precious at Kylie sa political maturity.

Naku Vice , sa true lang, tama na ang mga pasimpleng pagsusuot. Pangalanan na kung sino para magkaalaman na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.