Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice kabog sa laplapan kay Ion

0 152

Pinakilig nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang fans sa latest anniversary vlog nila na inilabas ng Unkabogable Star sa kanyang YouTube Channel.

Sa nasabing vlog ay naglaro sila ng game na Who’s Who at game na game nilang sinagot ang mga tanong tungkol sa kanilang relasyon habang nakaupo sila sa Central Park sa New York City.

Isa nga sa mga tanong ay kung sino sa tingin nila ang unang bibitaw sa kanilang relasyon.

“Personally, di ko nararamdaman sa’min ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ’yung feelings namin sa isa’t isa, di ko ’yan nararamdaman na mangyayari any time soon. Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion.”

Sa tanong kung sino ang mas higit ang pagmamahal sa kanilang dalawa, ani Vice ay hindi ito nasusukat pero pareho lang naman silang ibinigay at natatanggap kung ano ang deserved nila.

“Siya naman, nakikita ko naman, binibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Ako rin naman, binibigay ko kung ano ang kaya kong ibigay. Natatanggap ko naman ‘yung deserved ko. Siya rin naman, I’m trying to give what he deserves. Hindi ‘yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” sabi ni Vice.

Dagdag pa niya, “parang hindi na rin mahalaga sa akin din kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal.”

Sey naman ni Ion, “basta ako, binibigay ko lang ‘yung eto, ‘yung buong pagkatao ko. Ginagawa ko lang ang dapat, ginagawa ko lang ‘yung alam kong mapapasaya kita, mapapaligaya kita. ‘Yung buong puso na ginagawa ko lahat. Basta ‘di ko ma-explain, eh. Basta’t mahal ko siya.”

Salo naman ni Vice, “and that’s enough. That’s really more than enough.”

Na-reveal din sa game na mas mabango, maayos sa gamit at mas malinis sa katawan si Ion kaysa kay Vice.

Pero mas mapagpasensiya, mas unang nanunuyo at mas magaling daw humalik si Vice Ganda.

Katatapos lang magdiwang ng 3rd anniversary ng magdyowa at sey ni Vice, “3 years of nothing giving a ___ about other people’s thought and judgment about us and 3 yrs. of just being unapolegetically in love and happy with each other.”

SM food to go Banner Ad

Pia masakit ang hugot

Isa rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga celebrities na hindi rin madali ang mga pinagdaanan sa buhay at ang ilan naman dito ay naibahagi na rin niya.

Sa kanyang latest Instagram post ay ramdam na ramdam pa rin kay Pia ang mga bubog na dinadala niya pero makikita mo rin naman ang pagkakaroon niya ng positive outlook in life.

“I posted this on my stories and I received a lot of replies so I thought I’d share it on my timeline as well. 💙 Today was a fruitful day — connecting with friends and checking up on each other. Honestly, I was hesitating to post it noong una, but then I saw that a lot of people can relate to it pala… so here goes.

“So I’ve been preparing for this big speech the past couple of weeks. It’s really personal and some of the things I shared triggered some memories/emotions that I kept inside for too long.

“You guys know
naman my childhood/young adult years were quite challenging. I’m happy I pushed through and I’ll share it with you guys very soon. But yes it did put me in a bad place for a few days,” ang bahagi ng post ni Pia.

Aminado ang beauty queen na masakit pa rin ang alaala ng nakaraan at hindi raw siya nagpapaawa sa post niyang ito.

“Sometimes when you go back to the past, it still stings! And even for someone like me who looks like they got their life together from the outside, could still be going through a mental health journey.

“And I guess I’m writing this, not to be paawa or ask for sympathy, cos I’m okay naman. But to remind you that IT’S OKAY to be down sometimes. And IT’S OKAY to talk about it openly!

“I don’t know, but maybe somebody needs to hear this today. You’re okay, talk it out and take some time to do what’s good for your mental health,” pahayag ni Pia.

Pinusuan at sinuportahan naman ito ng kanyang mga followers gayundin ang mga kapwa-celebrities.

Leave A Reply

Your email address will not be published.