Abante Tonite Interactive

Vice kakandidatong presidente

223

“Kakandidato talaga akong presidente ng Pilipinas, promise,” ani Vice Ganda. “Dalawang eleksyon pa, kakandidato ako — presidente talaga agad.”

Ito ang pabirong deklara ni Vice sa isang episode ng “Its Showtime” habang nagkakantiyawan sila ni Jhong Hilario, tatakbong konsehal ng Makati, sa usapin sa politika.

Humarap siya sa kamera at umusal na, “‘Pag nanalo ako, isa lang ibig sabihin nu’n — sira-ulo talaga kayong lahat! Wala talagang kakwenta-kwenta ang mga bumuboto sa Pilipinas. ‘Pag nanalo pa naman ako talaga…” Mainit ang usapin ng politika dahil sa nalalapit na eleksyon.

Abante Hiring – IT dep

Kung sakaling pasukin ni Vice ang politika ay siguradong sure win ito dahil itinutu­ring siya bilang isa sa mga influential celebrity na lahat ng mga show nito ay talagang dinudumog tulad ng huling movie nito na ‘Fantastica’ na topgrosser sa MMFF.

Gayunpaman, inamin­ din ni Vice na may nag-alok na sa kanyang tumakbong senador ng isang political party na tinanggihan niya.

“Maraming kumukuha nga sa akin, e,” aniya. “May kumuha sa aking partido [para] sa senador. ‘Sira-ulo ba kayo?’ Sabi, ‘Mananalo ka.’ ‘O, ngayon, ‘pag mananalo, tatakbo?’”