Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice, KathNiel, DonBelle delikado ang karera

0 541

Ni: ALWIN IGNACIO

Ang pinamalaking kataka-taka at kahibang na katotohanan sa katatapos lamang na eleksyon, patotoo ito na ang mga pinaka-popular at sikat na mga artista sa kasalukuyang panahon, wala naman pala talagang kakayahan para humimok at ibahin ang nasa ng mga taong tinatawag na electorate.

Hindi imposible na ang 31milyon na nagpanalo kay President Marcos Jr. eh hindi nakisaya at nakibahagi sa mga team kalambihan kaganapan na talaga namang star studded.

Ano nga ba ang naiambag nina Vice Ganda, Sharon Cuneta, Regine Velasquez-Alcasid. Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano, Belle Mariano , Donny Pangilinan, at iba pang artista at mga sikat diumaon sa Tiktok at YouTube sa team kalambihan kampanyahan?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa nangyari, totoo pala na walang “infuencer” na artista at mas lalong hindi porket social media darling ka with so many viewers, subscribers at followers eh kaya mong pagalawin ang baso ng electorate of 31 million na simula pa lamang eh alam na alam na ng gusto nilang iluklok at ibalik sa Malacanan Palace.

Paano pa mananalig ang balana, dabarkads at madlang pipol sa mga tulad nila eh ampaw lamang pala ang bigat at sustansya ng sinasabi niyong pagiging sikat?

Aminin ng mga artistang buong katapatang ipinakita ang kanilang suporta sa team kalambihan, wala naman pala kayong naimbag talaga kungdi ingay, Tweets at social media views na wala naman palang fuerza at all.

Leave A Reply

Your email address will not be published.