Abante Tonite Interactive

Vice kinabog ng KathDen

973

Ang “Hello, Love, Goodbye” lead stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang bagong proklamang Phenomenal Stars of Philippine Cinema sa gaganaping 51st Box-Office Entertainment Awards na ang naggagawad ay ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF).

Sa true lang, mapaparatangang tampalasan ang mga magdadabog ang bangs at mag-iinarte sa panalong ito nina Bernardo at Richards dahil ayon sa opisyal na ulat, ang pinagsamahan nilang pelikula, ang over all kita lang naman ay P1.3 billion. O, hindi ba? Hindi na sigurado kailangang kabisaduhin pa bakit “phenomenal” is the word of choice para sa mag-screen partner.

Ang nakakalungkot, ligwak na rin ang korona ni Vice sa Guillermo na ilang taon din siyang nagreyna. Bokya siya ngayong taong ito.

Ang itinanghal na Box-Office King ay si Aga Muhlach at Box-Office Queen ay ang child actress na si Xia Vigor. Ang dalawa ay naging mag-ama sa MMFF box-office sensation na “Miracle In Cell No. 7.”

Dahil nga it is more fun sa GMMSF at ayaw ko namang basagin ang kanilang trip dahil walang dudang may budget sila para sa tropeo, korona at pa-sash, sina Alden at Kathryn, uuwi rin bilang Film Actor and Actress of the Year.

Sa kategoryang Film Actor of the Year, tabla sina Richard at Muhlach.

Sina Enrique Gil at Liza Soberano ang hinirang na Prince and Princess of Philippine Movies, kasi nga, naging matagumpay sa takilya ang pelikula nilang “Alone/Together.”

Ang mga taga-Guillermo, ayaw paawat sa mga parangal, pati sa telebisyon, meron na rin. Ang motto yata nila in life ay the more, the merrier. Parang mga kabuteng bigla na lamang sumusulpot ang mga ginagawaran nila, huh!

Sina Coco Martin at Angel Locsin ang nagwaging TV Actor and Actress of the Year (Primetime Drama) para sa kanilang mga teleseryeng “Ang Probinsyano” at “The General’s Daughter.”

Kung may primetime drama, siyempre may daytime at ang mga nag-viktoria rito ay sina ina JM de Guzman “Pamilya Ko” at Dimples Romana “Kadenang Ginto.”

At ang “The Killer Bride” love team na binubuo nina Joshua Garcia at Janella Salvador ay ang nanalo bilang Prince and Princess of Philippine Television.

Kung may social media account ang GMMSF, may chance na that girl Julia Barretto will unfollow them as well. Alam niyo na kung bakit past time ni Julia ngayon ang mag-unfollow, hindi ba?

51 years na pala itong GMMSF pero hanggang ngayon, wala pa rin akong makuhang konkretiong sagot kung sino ba itong si Ginoong Guillermo Mendoza at ano ba ang kanyang dakilang kontribusyon sa showbizlandia kaya siya ay nagkarapatan na magbigay ng mga award na ito?

Bela, JC wagi na naman sa takilya

Sa true lang, ang diva that you love, malugod na tinatanggap ag ulat na ang bagong pelikula nila Bela Padilla at JC Santos, ang “On Vodka, Beers and Regrets” panalo ang opening day gross nito, P6.3 million. At tiyak, ngayong matatapos ang linggo, mas tataas pa ang nasabing box-office figures nito.

May kung anong mahika kasi at kakaibang panghalina ang tambalan nilang dalawa na talaga namang ang hatid sa mga manonood ay kilig, luha, pighati, pag-asa at paniniwalang may fighting chance pa talaga ang romansa at pagmamahalan sa panahon sa kasalukuyan.

Para sa akin, sila ang millennial Vilma Santos at Christopher de Leon na kapag magkatambal sa pelikula, puwede mong asahan na magagaling at makatotohanan ang pagganap sa kanilang mga katauhan.

Kung may sexual congress at intimate kissing requirements, ikaw ay mananalig at madadala na parang totoong-totoo ang kanilang halikan, eskrimahan ng mga dila kung meron man, at sa ‘di maipaliwanag na dahilan, nag-iinit ang iyong pakiramdam ‘pag sila ay naglalambingan at naglalanturan.

Kung ang manonood ay nalugod sa pelikula, ang mga reviewer na may kredibilidad at pribilehiyong magsuplado tulad nina Philbert Dy, Oggs Cruz, Rito Asilo, Mario Bautista at Pablo Tariman, tiyak eh maiibigan ang bagong pagsasanib pwersa nina Padilla at Santos.

Kaya sa mga mas gusto na lang lagi eh mag-cocooning sa kani-kanilang mga tahanan dahil nga may health scare scenario sa kasalukuyan, let us give this movie its fighting chance. Sobrang deserved ng “On Vodka, Beers and Regrets” ang suporta at pagmamahal nating lahat.

Arman, David ‘minaliit’ ni Audie Gemora

Engaged na si Kris, hindi si Aquino kundi si Bernal sa kanyang non-showbiz boyfriend na itatago natin sa pangalang Perry Choi. Maglulundag ba tayo sa kaligayahan dahil dito? Next!

Ang mga theater leading men na biglang naging the WHO no more times two, sina Arman Ferrer at David Ezra, ang seasoned theater actor at manager ni Sam Concepcion, si Audie Gemora, “minaliit” ang mga kakayahan nina Ferrer at Ezra dahil ang dalawang binata, hindi daw kagalingan sumayaw kahit superlative singers.

Ang nanay ni David, bumula ang bibig at may all caps na posting sa Facebook, si supreme diva Dulce dahil sa pangyayaring ito, na binura niya rin naman matapos mahimasmasan. Ang manager naman ni Arman, si Noel Ferrer, slighted sa ginawa ni Gemora.

Si Audie, paumanhin at patawad ang hiningi sa mga taong ang mga damdamin ay hindi niya gustong salingin.

Hindi ba kahindik-hindik ang mga ganap na ito? O mas nakakahikab? Sa true lang.