Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice kinakasa ang MMFF movie

0 51

NI: ALWIN IGNACIO

Putok na ang balita na si Queen Bayot Vice Ganda, muling magbabalik sa paggawa ng pelikula at pang MMFF 2022 daw ang target na maipalabas ito.

Ang tanong, may excited pa sa kanyang pagbabalik? For all his supposed clout at persuasion, wala naman yatang nahikayat si Jose Marie para suportahan ang kanyang sinuportahan sa katatapos lamang na political battle.

At kung babalik siya sa pinalakang tabing, may bagong konsepto at pamamaraan sa pagpapatawang ipapakita o tulad pa rin ito ng mga dati niyang “may pera sa basura” type of comedy films. Bagamat nagreyna uri naman talaga sa takilya hanggang sa dumating ang pelikula ni Aga Muhlach at si Viceral ay reduced as a Kabogable Star.

Puwede bang isang Vice-Ion Perez romantic comedy movie na may pagka-pang adult na BL? Or pwede rin bang Jose Marie-Perez movie na daring at sexy na pasok sa panlasa ng mga maricon, pamhinta at boy borta?

Sana naman eh talagang kaabang-abang at kapana-panabik ang bagong pelikula ni Vice para naman manalig ang lahat na may ibubuga pa siya pa siya sa takilya at hindi pa fading star ang kanyang estrella category, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.