Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice KSP sa dyowa

0 189

Sa isang vlog, nagkaroon ng pagkakataon na magbukingan ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez.

Ayon kay Vice, mas papansin daw kasi siya sa kanyang nobyo.

Kapag daw nasa bahay sila, madalas daw ay nasa isang sulok lang ito. Busy raw sa pagkukuntingting ng kanyang motor o kaya’y naglalaro ng online games.

“Parang ako. Kasi siya, ‘pag naglinis na siya ng motor, mahaba ‘yun, akala mo nagpadede ng bata, nagpaligo, nagpatae, nagpatulog, ganun kahaba. Tapos kapag nakatapat na rin siya sa laptop niya, tututok na rin siya. So ako, mas papansin ako,” aniya.

“Kasi ako hindi niya ako iniistorbo. Kaya kapag gusto ko na makipaglambingan, ako na ‘yung gagawa ng paraan. Kasi hindi niya ako iistorbohin, hindi niya kinukuha ‘yung atensyon ko,” dugtong niya.

Aminado rin siyang mas maasikaso siya kay Ion at siya mismo ang gumagawa ng paraan kapag sila ay nagkakatampuhan.

“Ako. Because I have a nurturing heart, I have nurturing hands. Charot. Maalaga ako talaga. Ako ang laging gumagawa ng paraan para maging maayos ang lahat. Sa dami ng stress sa buhay, kung ano ‘yung pinakamabilis na gawan ng paraan, gawan na agad ng paraan. Kung ano ‘yung pinakamadaling solusyonan, sosolusyonan. Ayoko nung matutulog na magkaaway, ayaw ko ng ganun. Sayang ang time kaya suyo agad, ayusin agad,” paliwanag niya.

Gayunpaman, mas demonstrative daw naman si Ion sa pagpapakita ng kanyang nararamdaman sa kanya.

Jinkee inintrigang may giyera kay Vicki

Maraming followers ni Jinkee Pacquiao ang natuwa dahil may sarili na rin siyang skin care line.

Katunayan, ayon sa misis ni Manny, hindi raw niya inakala na darating ang panahon na matutupad ang pangarap niya na magkaroon ng sariling negosyo na sunod sa kanyang pangalan.

May mga mahadera namang iniintriga si Jinkee dahil sa kanyang bagong business venture.

Anila, kakumpentensiya na raw nito ang pamosong dermatologist of the stars kung saan dati siyang product endorser.

May birdie namang nag-tweet ng unconfirmed report na may silent feud daw ang dalawa. Ano kaya ang real score dito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.