Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice kumambyo kay Quiboloy

0 5,340

NI: ARCHIE LIAO

Hanggang ngayon, habang nililitis pa rin ang kaso ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, marami pa ring proseso na pagdadaanan.

Kung sakali mang lumusot ito sa Kamara, tatalakayin pa rin ito sa Senado.

Kapag nakapasa ito sa Senado, nasa Pangulong Duterte naman kung aaprubahan niya ito.

Sa kaso ni Vice, todo ang panalangin nito na sana ay sagipin ng Diyos ang ABS-CBN sa pinagdadaanan nito sa ngayon.

Hirit tuloy ng ilang bitchy netizens, bukod sa Diyos bakit hindi raw ito kumambyo at gawin ulit nito ang naging ‘dare’ kay Pastor Quiboloy?Pero this time, humingi ng tulong sa powers ng self-proclaimed son of God na maibalik sa ere ang network.

Kapag kasi nagsara ang nasabing network na naging tahanan niya sa maraming taon, hindi lang siya ang apektado kundi pati ang libo-libong umaasa ng trabaho at pagkakakitaan sa nabanggit na network.

Ang ABS-CBN ang itinuturing na tahanan ng TV host-comedian dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na pumaimbulog bilang phenomenal at unkabogable star.

For some time, naghari rin sa box office ang mga pelikulang ginawa niya sa Star Cinema kung saan dati siyang nag-reyna sa annual film festivals tulad ng MMFF.

Leave A Reply

Your email address will not be published.