Abante Tonite Interactive

Vice kumita ng P400M; P200M kay Coco

443

tonite-pak-allan-diones

Napatunayan naming lumakas ang MMFF 2018 entry na “Rainbow’s Sunset” after nitong maghakot ng mga award dahil maraming tao sa loob ng sinehan nang manood kami nito sa SM North EDSA.

Bukod sa nagrereak ang audience sa mga eksena sa LGBT-themed mo­vie ay nagpalakpakan sila sa ending nito. Taruszh!

Kung dati ay kulelat ito sa ranking, ngayon ay nasa 5th slot na raw ang “Rainbow” at puwede pa raw nitong masilat ang nasa Top 4 na “Mary, Marry Me”.

Balitang mahigit P400 milyon na ang kinikita ng topgrosser na “Fantastica,” tapos ay lampas P200M na ang kasunod nito na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.” Mahigit P100M naman ang 3rd placer na “Aurora.”

In fairness ay puno raw ang sinehan nang manood ang isang friend namin ng “One Great Love” at may mga naghahabol din na mapanood ang “The Girl in the Orange Dress” at “Otlum.”

Ayon sa isang source namin, kahit pa mag-#8 pa ang “Otlum” sa final ranking ay kumita na ito at posible pang kumita.

Kung hindi magbabago ang trend ay mukhang maaabot daw ang P1 billion na ­target ng 2018 MMFF.

Sarah kinaaawaan ni Annabelle

Hindi masyadong napag-usapan ang cameo appearance ni Zion Gutierrez sa MMFF movie ni Vice Ganda na “Fantastica” pero ang daming natuwa sa biglang pagsulpot ng cutie pie na panganay nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa movie.

Kuwento sa amin ni Tita Annabelle Rama na sampung beses na yatang napanood ang “Fantastica,” nag-enjoy si Zion sa short role nito sa pelikula at ang sabi nito sa kanya ay mag-aartista na ito ngayong 2019.

Natawa lang si Tita ­Annabelle, pero mukhang gusto na talagang mag-showbiz ng 5-­anyos na anak ni Richard, so abangan natin kung magkakapelikula nga o TV show si bagets this year.

Naikuwento nga pala ni Tita Annabelle na sobra siyang naawa kay Sarah nu’ng muntik nang malunod ang madir nito na si Esther Lahbati kamakailan sa Siargao.

Inamin sa amin ni Tita Annabelle na grabe ang iyak niya nang malaman niya kay Sarah ang nangyari sa kanyang balae. Sobra siyang nag-alala dahil nag-iisang anak si Sarah at sobrang close ito sa ina.

Pinuntahan daw niya si Esther sa ospital at sinabi nito sa kanya na ‘yun na ang pangalawang buhay nito. Awang-awa siya dahil nagsusuka ito ng dugo, buti na lang ay magaling lumangoy ang fadir ni Sarah na si Abdel Lahbati at naisalba nito ang asawa mula sa pagkalunod.

Na-trauma raw si Esther at ayaw na nitong mag-­swimming kahit sa swimming pool. Nagkaroon ng ­hidwaan noon sina Tita Annabelle at Esther, pero ­sobrang okey na sila ngayon.

Mamahaling bag ang Christmas gift ni Richard kay Tita Annabelle.

Happy si Tita Annabelle na malapit nang mag-start ang taping ni Chard para sa teleserye nito with Bea Alonzo.

“Project Iron Heart” ang title ng BeaChard serye mula sa Star Creatives. Ang mister naman ni Tita Annabelle na si Tito Eddie Gutierrez ay busy sa “Cain at Abel” ng GMA.

May early plugging pala si Tita Annabelle ng ipoprodyus niyang show sa Valentine’s Day.

Tampok sa “Valentine Extravaganza” sina Pilita Corrales, Mitch Valdes, Sunshine Cruz, Mitoy Yonting, Eddie Mesa, Sal Panelo at Sarah Lahbati with special guest, ­Eddie Gutierrez.
Sa February 12 ito sa Marriott Hotel, to be hosted by Ruffa and Raymond Gutierrez.(Allan Diones)