Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice laglag sa PBB

0 174

NI: VINIA VIVAR

Ngayon lang na-reveal na nag-audition pala si Vice Ganda sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition pero hindi siya nakapasa. Ikinuwento niya ito sa episode ng “It’s Showtime” kamakailan.

“First Celebrity Edition, wala pang Showtime. After ng normal, ‘yung kina Sam Milby, tapos ‘yung 2nd, celebrity edition, nag-audition ako no’n,” pagtatapat ni Vice.

Pero nalaglag daw siya sa semi-finals.

“Showtime lang talaga tumanggap sa akin,” natatawa niyang sabi.

That time ay stand-up comedian na raw siya at lumalabas-labas na siya sa serye ng ABS-CBN.

Inilabas na rin daw dati ng ABS-CBN audition clips niya kasabay nina Nadine Lustre at Maine Mendoza na hindi rin nakapasa sa PBB.

Pero ani Vice, hindi man siya nakapasok ay thankful pa rin siya sa experience ng kanyang audition partikular na ang mahabang pila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.