Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘lalayasan’ ang Dos; pamalit kay Willie sa Siete

0 483

NI: BETH GELENA

Lalong lumalakas ang bulungan na lilipat na si Vice Ganda sa Kapuso.dahil nakipag-usap na raw umano ito kay direk Bobot Mortiz na connected na rin sa GMA 7.

Si Vice raw ang ipapalit sa time slot na iniwanan ni Willie Revillame.

Parang may nakakopo naman sa timeslot na kanilang sinasabi.

Hindi ba’t ang Family Feud ni Dingdong Dantes ang nasa oras ng Wowowin?

Naging topic nina Mama Loi at Ogie Diaz sa kanilang Showbiz Update YouTube channelang isyung ito ni Vice.

Malapit si Ogie kay Vice, kaya tanong ni Mama Loi, “So lalong lumalakas ‘yung sapantaha ng netizens and Mariteses na baka nga lilipat na si Meme (tawag kay Vice).”

SM food to go Banner Ad

Sagot ni Ogie, “Hindi lang nakapunta sa birthday ni tita Cory, lilipat na kaagad?”

Susog naman ni Mama Loi, “E, kasi ang daming big stars na nandoon tapos si Meme wala?”

Kahit naman daw ang alaga niyang si Liza Soberano ay wala rin doon dahil nasa Amerika para sa isang proyektong pagsasamahan nila ni James Reid,” sambit naman ng batikang manunulat.

Kasalukuyan pa rin naman daw na napapanood si Vice sa noontime show kaya nagtataka sila kung saan nanggagaling ang isyung ito

Sey ni Ogie, “Ganito lang ‘yan kung si Vice wala pang pinipirmahang kontrata sa ABS-CBN ibig sabihin malaya siyang tumanggap ng kahit ano.

“Ang hindi natin alam kung si Vice Ganda ay may kontrata sa It’s Showtime or isa lang ‘yun na naka-incorporate sa network contract. O basta, alamin na lang natin ‘yan at malamang may announcement,” pagtatapos niya.

Biro pa ni Mama Loi, “Yung mga ganyang may announcement feeling ko may alam ka, eh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.