Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice, Lassy agawan sa lalaki

0 1,197

NI:ROMMEL PLACENTE

NAGSIMULA si Lassy Marquez bilang isang stand-up comedian bago siya pumalaot sa daigdig ng showbiz.

Sa comedy bar na Laffline at Punchline siya nagpi-perform. Malungkot siya ngayon dahil sarado na ang Laffline, nawalan pa ng prangkisa ang ABS-CBN 2.

“Sobrang nakakalungkot talaga. Kasi alam mo ‘yung bahay mo kung saan ka lumaki, ‘di ba nakakalungkot na iiwanan mo, kasi nandoon lahat ng memories?,” bungad niya nang mag-guest siya sa online show naming Showbiz Pamore Tonite ng Abante Tonite.

Kagaya nu’ng Punchline at Laffline ‘yan, eh. Du’n ako nagsimula, du’n ako nakilala, du’n ako nagkaroon ng maraming blessings talaga. Napagtapos ko ‘yung kapatid ko, ngayon nasa America na, nakabili ako ng para sa pamilya ko. Naalalayan ko ‘yung mga magulang ko. Ang hirap talaga, kasi kung saan ka nagsimula, ‘yun ang bumuhay sa ‘yo, so, napakasakit na biglang nagsara.

“ ‘Yun din ang naging training ground namin na mga stand-up comedian. Du’n kami nahulma. Du’n kami natuto. Du’n kami naging magaling. Dahil du’n. nagkaroon ako ng movie at TV career, mga raket. So, ang laking kawalan talaga,” saad pa niya.

Gaya ni Lassy, bago sumikat si Vice Ganda, ay nagsimula rin ito bilang isang stand-up comedian sa naturang comedy bar.

Dahil laging magkasama at nagkikita, kaya naging close sila. Nu’ng sumikat ang Unakabogabe Star, isinasama niya si Lassy.

“Nagsimula kami sa trabaho, tapos naging magkaibigan. Alam mo ‘yung naging close kami, kasi kami ‘yung laging magkakasama sa performances namin gabi-gabi sa Punchline, sa Laffline. Naging kampante na si Vice sa amin (ni MC). “Ay gamay ako ng dalawang ito! Alam ‘yung mga gagawin. Alam kung paano ‘yung skit. Alam kung paano ‘yung flow nu’ng show,” So, nasanay siya sa amin,”kwento ni Lassy.

Ano ‘yung isang bagay na pinagtampuhan nila ni Vice bilang magkaibigan?

“Yung naging tampuhan namin ni Vice, lalaki. Lalaki ko,”natatawang sagot ni Lassy

Inagaw ni Vice ‘yung lalaki niya?

“Wala namang ganu’n. Akala ninyo, may agawang nangyari noh! Ang nangyari kasi, hindi na ako nakikipagkita kay Vice nu’ng mga panahon na ‘yun. Kasi, sobra akong na-inlove. At ‘yung lalaki, taga-Mindoro, na kahit bumabagyo, pinupuntahan ko. E, sasakay ka pa ng roro,bumabagyo,”natatawang balik-tanaw pa ni Lassy. (Rommel Placente)

Leave A Reply

Your email address will not be published.