Abante Tonite Interactive

Vice magpapatayo ng iskul sa mga beki

431

Equality tili pa rin ng LGBT community

Usap-usapan ngayon ang na­ging hanash ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda tungkol sa pangarap niyang makapagpatayo ng first ever all-gay school.

Sey pa niya, natutu­wa raw siya na mara­ming mga bakla na nakaka-graduate sa school at nakakakuha ng diploma, bagay na hindi niya naranasan.

“Alam mo nu’ng isang araw napag-usapan namin, ‘di ba merong mga all-boy school, all-girls school? Bigla akong gumising­ na sabi ko parang gusto kong gumawa ng eskuwelahan, ‘yung all-gay school. Kasi ‘di ba, ang daming bakla na nahihirapang mag-aral dahil ‘di sila ina-accept nu’ng mga kasama nila sa eskuwelahan. Dahil lang sa bakla sila, hindi nila nari-reach ‘yung full capacity nila dahil nagtatago, dahil natatakot sila sa mga kasamahan nila sa eskuwelahan.

“Pero kung merong isang eskuwelahang yayakap, tatanggap, at susuporta sa kanila, lahat ng potensyal mailalabas. Hindi natin alam baka ‘yung baklang binu-bully niyo, ‘yun na ang susunod na president,” paliwanag niya.

Bagama’t marami ang pumabor sa kanya, marami rin ang bumatikos sa kanyang panukala dahil pinalalabas daw nito na gusto nitong ikahon ang LGBT at i-isolate sa pakikihalubilo sa straight at sa ibang tao.

Parang pinatotohanan rin daw nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng komunidad ang mga ito dahil naiiba sila kaya kailangang i-kordon. (Archie Liao)