Abante Tonite Interactive

Vice mas may ‘balls’ kesa kay Coco?

811

Dahil may slip of the tongue deklarasyon si Ion Perez na mahal niya si Vice Ganda, ang mga Little Ponies at ibang mga maricon, ang dasal, magpakatotoo na si Queen Bayot at ang kanyang prince charming.

Kung baga, tama na ang pagpapa-cute, tama na ang mga naghuhumayskul na pakilig. Aminin na ang dapat aminin. Huwag magdrama na “what you see is what you get” at sabihin na “yes, oh yes, I am not only in love with Vice, we are in a relationship.”

‘Pag nag-man up kasi si Perez, kahit paano, mababawasan ang mga angulong “ginagamit” niya si Jose Marie para sumikat. Na hindi siya “boy toy” at mas lalong hindi “material boy.” Higit sa lahat, kinaya niya ang itsura at alindog ni Ganda, ‘pag wala itong makeup at pelikula kaya we can therefore conclude na pagmamahalang wagas nga ito dahil it goes beyond the physical.

Abante Hiring – IT dep

May follow-up paandar na nga si Vice na ini-improve niya ang kanyang cooking and home-making skills at tila ang pagiging domestic goddess ang susunod niyang kakaririn kasi nga, something has changed sa kanya, something is not the same, dahil nga may lalaking makisig na minahal siya para sa lahat ng mga hindi nagmahal sa kanya. Ano ito, Maricel Soriano lang bilang Adela sa “Ikaw Pa Lang Ang Minahal?”

Wish ko talaga na may bayag si Vice Ganda kesa sa best friend niyang si Coco Martin pagdating sa pagiging tapat sa kanyang romansa at minamahal, huh!
***

John Lloyd, Vhong, Robin naki-party sa Malacañang

Parang eksena sa pelikulang “Evita” ang naganap na shindig sa Malacañang Palace. Bakit kaniyo? Aba, literal na ang mga estrella sa langit ay bumaba kasi nga may pa-private dinner na inorganisa si Honeylet Avanceña, ang common law wife ni President Rodrigo Duterte.

Ang emote, pasasalamat at pagsasalo ito para sa mga celebrities na tumutulong sa Pangunahing Ginoo mula noong ito ay tumakbo sa pagka-presidente hanggang sa kasalukuyan.

Ang mga nasilayan sa Palasyo na hobnobbing with the Pangulo ay sina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Robin Padilla, Ai Ai delas Alas, Phillip Salvador, Aiko Melendez, Vhong Navarro, Ruffa Gutierrez, Mariel Padilla, Alex Gonzaga, Vivian
Velez, at dating National Youth Commission Chairman Ice Seguerra.

Belong na belong din sina Bayani Agbayani, Dulce, Jed Madela, Arnell Ignacio, Annabelle Rama, Gladys Guevarra, Rodjun Cruz, Dianne Medina, Ynez Veneracion, Ryan Bang, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Chad Borja, at Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño.

Very much present din sa patipar ang actor in sabbatical John Lloyd Cruz.

Siyempre, hindi puwedeng mawala si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa payanig at ang IBC-13 bigwig na si Kat De Castro. Hinahanap-hanap ko si Mocha Uson sa mga photo pero parang in absentia ang hitad.

Nasa demokrasya naman tayo kaya hahayaan na lang natin ang kasaysayan ang humusga sa kapalaran ng mga taong nakipag-party sa Palasyo.

Very Imeldific lang at parang loyalty check ang nasabing kaganapan. Kung gusto niyo pa ring suportahan ang mga artistang ka-alyado ni President Digong, go ahead.

Ang diva that you love, kung ang funds na ginamit ay mula sa taxpayers labeled as miscellaneous expenses mula sa Office of the President, look na lang ako sa sky at ang wish I may, wish I might, kidlatan na lang ang mga dapat kidlatan. Charot! Hahahaha!