Abante Tonite Interactive

Vice may bagong paandar sa basketbolista

By
3,831

Si Arnold Van Opstal na kaya ang susunod na basketball player na magiging malapit sa buhay at puso ni Queen Bayot Vice Ganda?

May bagong paandar kasi sa Instagram na Questions at ang nasabing basketball player, may pambwisit na tanong. “Are you part of the LGBT+?”

Ang pangabog nitong sagot sa nilalang na ta­nga, “My brother is ‘gay’, a lot of my good friends are ‘gay’. However, I am ‘straight’. The whole game of labeling sexua­lity is a joke. Preferences are preferences, love is love, and everyone deserves to be their own authentic selves without having to fear the judgment of others.”

Patuloy niyang pagsagot sa burning query, “I feel like athletes are not doing enough to address homophobia that is very apparent in sports due to fear of judgment set by their peers and coaches. Equality comes from all aspects not just race and I’m happy to stand up for equality.”

Ang kanyang concluding statements, “It’s 2018 there’s no space for ignorant assholes. Jud­ging someone by their sexuality is as ignorant as judging people by their skin colour or religion. All homophobes and racists can go fuck themselves.”

Naku, dahil sa mga sinabi mo, Van Opstal, ang buong sangkabekihan, mahal na mahal ka na. We need more men like you who are not afraid to show, share and voice out their love and support para sa pink community.

Siyempre pa, hindi nakawala sa radar ni Queen Bayot Vice ang kainamang pahayag ni Arnold.

Super repost ni Jose Marie ang mga saloobin ni Van Opstal at ang hanash niya, “First time I encountered a Filipino athlete boldly spoke about LGBTQ+ and homophobia. Thanks Arnold Van Opstal (@arnoldvanopstal)!!! I hope everyone including your fellows in your sport see this post.”

May paandar rin si Ganda na, “#StopJudgment #StopHyprocricy.”

Nawa’y sina Vice at Arnold, ang Universe mag-conspire para sila ay magkakilala at magkalapit. Lalo na nga’t may common denominator sila, ang isulong ang pantay at tamang pagtanggap at pagtrato sa mga gay at lesbian. Kung may patutungahan pa silang iba, tanging ang mga bituin at buwan ang may alam sa sagot.