Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice may hugot sa MMFF

0 99

This year, supporter lang si Vice Ganda ng Metro Manila Film Festival bilang wala siyang entry.

Dapat sana ay may entry siya, ang Praybeyt Benjamin 3 pero hindi na ito umabot sa deadline dahil na rin sa mga safety protocols na kailangang ipatupad sa shooting.

Matatandaang since 2012 ay taon-taong may entry si Vice sa MMFF at ito ang kauna-unahang pagkakataon na hindi siya nakasama. Taon-taon ay blockbuster din ang kanyang entry at kadalasa’y nangunguna sa takilya.

SM food to go Banner Ad

Kaya naman aminado ang Unkabogable Star na na-miss niya ang MMFF. Sa kanyang tweet last Christmas Day, aniya ay kalmado lang siya ngayon pero nakaka-miss din daw.

“Dec. 25, 2020 Walang MMFF first day kaba and ngarag. Walang cinema tours. Walang mall tours. Walang kaliwa’t kanan na texts and calls from VIVA and Star Cinema kung magkano na ang gross every after screening hours. Tahimik lang. Kalmado lang. ibang iba. Kakamiss din,” tweet ni Vice.

Kaya tagapanood na lang muna siya this year at kahapon ay nag-tweet siyang napanood na niya ang Fan Girl.

“Btw congratz sa FAN GIRL!!! Pinanuod ko sya bago mavorlog. Ang ganda! Ang galing ni @mepauloavelino!!! (Bukod sa may papwet at pa-ulo ng ninja turtle!) Charlie Dizon is gold! Congrats po Direk @tonetjadaone!!! , “ bahagi ng tweet ni Vice.

Leave A Reply

Your email address will not be published.