Abante Tonite Interactive

Vice may lalaking nakarelasyon nang walong taon

0 1,218

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioSa pangmalakasang Ms. Q and A contest na mapapanood sa It’s Showtime, may kainamang salitang binitawan si Vice Ganda tungkol sa kakaibang pagmamahalang­ namamagitan sa mga maricon at mga lalaki.

Bukal sa pusong nagpasalamat si Jose Mari sa mga nakalipas niyang ‘di na maaaring balikan lalo nga’t, ayon sa kanyang paglalahad, naging mabait daw ang mga ito sa kanya at minahal din naman siya.

Walang halong pag-iimbot at buong katapatan ring inamin ni Queen Bayot na siya ay may nakarelasyon ng walong taon. Ang ganda niya, ‘di ba naman?

Ang kanyang very well said na aria, “Don’t lose hope sa love. Kasi ako dati, sabi ko nga, mas madali pa akong nagkadyowa nu’ng ang chaka-chaka ko, e, nung hindi pa ganito ang hitsura ko. May masasama siguro tayong karanasan in the past, pero hindi natin puwedeng i-generalize ng lahat ng tao.”

Ang patuloy niyang aria, “Kasi ako, sa dami ng pinagdaanan ko, akala ng mga tao ang lungkot-lungkot ng love life ko. Hindi. Ang bubuti ng mga lalaking nakilala ko at minahal din naman nila ako. Kaya kung nanonood kayo, thank you.”

Ang emote pa nito, “To be fair naman sa mga lalaki, kasi pag sinasabi natin iyan, parang sinasabi natin kung gaano naman kasama ang puso ng mga lalaki. Meron at merong mga lalaking mabubuti ang puso na igagalang tayo at mamahalin tayo, at hindi magti-take advantage sa atin.”

Nasa happier emotional at romantic place ba ang Millennial Nora Aunor kaya ganito ang kanyang hanash?

Ang kudang ito, must we all take it, hook, line and sinker? O, mas faster than a speeding bullet pa ang mga kilay na agad-agad umarko at bangs na nagdabog?

Kung talagang masaya si Ganda, bakit wala pa rin siyang lakas ng loob na ipakilala sa lahat ang kanyang sinisinta?

At ‘yung mga nakalipas nilang ‘di na maaring balikan, will they man up and admit to the public na yes oh yes, minahal ko nga ang bakla? At kung may hombreng magpapaka­totoo, aamin o itatanggi ba ni Vice Ganda?

Sa true lang, para saan ang mga payo at ang mga punto nito kung ikaw mismo, hindi handa at ipinagdaramot kung sino ang lalaking iyong minahal? If you want a different kind of love to win, then let the public be accustomed sa katotohanan #lovewins is not just a hash tag but is for real, throbbing and working!

Bird ni RS may windang factor

With virgin eyes, ears and heart ko pinanood ang muling pagbabalik ng M Butterfly sa Manila stage. Noong una itong itinanghal, ang diva that you love, hindi ito pinanonood.

Pero, ang opera na Madame Butterfly, na ins­pirasyon nito na ipinalabas sa CCP, pinanood ko, first time kong mapanood ang isang Italian opera with super titles. Ang Ms. Saigon noong itinanghal sa Maynila, sa CCP rin pinalabas, ang kuwento at kapalaran ni Kim, ay parang nangyari rin kay Cio Cio San.

Ang 1993 movie version nito, kung saan ang naging Song Liling ay si John Lone at ang Rene Gallimard si Jeremy Irons ang nagbigay buhay sa katauhan.

Hindi ko masyadong bet si John Lone dahil masyado siyang pangahan para maging babae at kahit pa nga well made up siya at dressed to perfection as Song, hindi pa rin maitago ang kanyang masculine energy.

Sa napanood ko, si RS Francisco, bilang Song Liling, sinagpang niya talaga ang katauhan nito. Ang girly gait, ang mabining pagsasalita, ang paglalakad, decorum, ang submissiveness, flirtation, loving­ gazes, ang looks that can kill na hindi nakikita ni Gallimard, kuhang-kuha niya. You don’t need to suspend your disbelief dahil mananalig ka talagang babae siya, sa isip, salita at gawa.

Kaya nga jarring ang effect na makita siyang maging “lalaki” at noong pinasilip niya panandalian ang kanyang pagkalalaki, mas nakakagitla kasi nga sobrang husay niya bilang babae. Ang kanyang showing his lady bird moment as a pretentious lady boy, may windang factor talaga.

Hindi rin madali ang katauhan ni Olivier Borten bilang Gallimard. Siya kasi ang narrator. Mula sa pagiging simpleng diplomat na naging obsessed sa isang Peking Opera performer at ang kanilang nakakahilo at nakatutulirong pagsasama ni Song Liling.

Madaldal ang play. Dapat pinapakinggang maiigi. May mga linyahang nagmumura ang subtexts, Pati ang body language, may mga sinasabi. Sa untrained theater viewer, lalo na sa first timer na makakapanood sa isang contemporary drama, brace yourself dahil mahaba talaga ang exposition parts nito. It becomes more exciting ‘pag nagtagpo na sa unang pagkakataon sina Song at Rene.

Well-acted, special mention goes to Pinky Amador as Helda, si Lee O Brien bilang Mark/Pinkerton, well executed and presented, bongga ang costumes, set design at lighting, may kaunti lang ako pagka-upset sa lapels, lalo na yung sa opera singer dahil hindi masyadong marinig ang pag-aria niya, at dahil nga press preview, hindi pa ganun ka-tight ang performance at hindi pa smoldering ang se­xual chemistry nina RS at Olivier, parang inhibited pa sila.

Sa true lang, this play is best experienced. Dapat nasa teatro ka para makita mo ang grandiosi­ty nito, maramdaman kung bakit ganoon kadakila ang pagmamahal ni Gallimard kay Song Liling at kung bakit minsan, nakikita at nasa harap mo na ang katotohanan, ang iyong puso, chooses to look the other way and believe what it wants to believe.