Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice may payo sa mga may anak na bakla

0 87

May payo si Vice Ganda para sa mga magulang na may anak na bakla.

Aniya sa kanyang tweet, hindi raw kasi tama kapag sinasabi ng isang ama or ina na “proud ako kahit na bakla ang anak ko.”

Dapat daw ay walang “kahit” at itinuro ang mas tamang salita.

“VERY WRONG! Proud ako KAHIT na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko KAHIT na bakla.

“PERPEK! Proud ako na bakla ang anak ko. Mahal ko yung anak ko na bakla.

“Walang kahit kahit!” ang tweet ni Vice Ganda.

Oo nga naman.

@@@

Angel nanawagan na magparehistro

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ginamit ni Angel Locsin ang boses niya. Hinikayat ng aktres ang sambayanan na magparehistro’t huwag sayangin ang karapatang bumoto sa susunod na halalan.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Angel, ito raw ang panahon para ipaglaban ang mga bagay na nais natin at dapat makamtan.

“On this day of independence, it is time we break free from the circumstance of chance and take full charge of changing the course of our fate. With #Halalan2022 on the horizon, we are no longer just standing by the sidelines, because we know much better: our choice matters. 🇵🇭

“A better Philippines is what we, as Filipinos, want and deserve. A Philippines that stands for and with our people; a Philippines that does not discriminate or hate. Now is the time that we fight for what we deserve 🙏🏻

“As stakeholders of this great nation, we are committed to forge the path to a stronger democracy , accountable governance, and a renewed Philippines,” ang pahayag ni Angel sa kanyang Instagram page.

Hinimok din ni Angel ang mamamayan na iboto ang mga karapat-dapat na kandidato at magagawa lang daw natin ito kung magpaparehistro para makaboto.

“Claim your power to appoint equitable officials by registering to vote before September 30, 2021. Let’s do our part. You may register to vote now,” sey ng aktres.

Pero siyempre, hindi pa rin ito pinalampas ng kanyang mga basher kahit na malinaw naman sa post na maganda ang hangarin ng aktres.

“Sino naman yung nangh-hate? Parang yung post mo ang nang pprovoke ng hate angel. Makikita mo nman sa mga comments yung effect ng post mo. So do not even deny pls. Enough na! Stop fighting against and start fighting with. Para lahat tayo maka ahon na. Crab mentality nman kasi eh..” komento ng isang netizen.

May pumuna naman sa lumang larawan na ipinost ni Angel at sa Ingles na post ng aktres.

“Hahaha lol 😂 sana recent pic at dapat tagalog,” anang netizen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.