Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice mayor, 8 pa timbog sa mga boga, bala

0 328

SAMUT-SARING mga kalibre ng baril at bala ang nakumpiska ng Cavite police na ikinaaresto rin ng Vice Mayor ng Amadeo, Cavite at walong tauhan nito sa Amadeo at Gen. Trias City, Cavite.

Kasong paglabag sa RA 10591 ang isinampang kaso laban kina Amadeo Vice Mayor Conrado Viado; Roberto Gonzaga; Cristobal Catimon; Arnel Atienza; Guillermo Viado; Romeo Ambata Jr; Jarinya Trinidad; Florencio Dimaano at Neil Tibayan y Dinglasan.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office, alas-3:30 kahapon ng umaga nang isagawa ang operasyon bitbit ang 15 search warrant ng mga miyembro ng Provincial Intelligence Unit ng Cavite na inisyu ni Executive Judge Cynthia R. Marino-Ricablanca ng RTC 4A Branch 27, Sta Cruz Laguna sa Purok 5, Brgy Maymangga, Amadeo, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga tauhan ni Viado.

Related Posts

Narekober sa lugar ang (4) units na M-14 rifles; (3) units na M-16 rifles ; (1) unit na Shotgun; (1) unit na Cal 30 Carbine; (7) units na Cal 45 pistols; (1) unit na Cal 22; pistol ; (2) units na Cal 22 rifles; (1) unit na Cal 380 pistol; (1) unit na Cal 38 revolver; (3) piraso na 40 mm (M203 ammo); (2) riffle scopes; (20) magazines for M-16; (10) magazines ng M-14; (16) magazines ng Cal 45 pistol; at iba’t ibang bala.

Nabatid na wala si Viado sa nasabing lugar pero inaresto ito sa Gen. Trias City dahil sa pagdadala ng baril na walang permit.

Iniimbestigahan din ang grupo ni Viado dahil isa sa tauhan nitong si Dimaano ay sinasabing miyembro ng Asiong Group. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.