Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice mayor natsugi sa bike

0 875

Ilang araw lang matapos gumaling mula sa COVID-19, pumanaw si Dumaguete City Vice Mayor Alan Gel Cordova, 53, pagkatapos mag-collapse habang nasa isang charity bike run event sa nasabing lungsod.

Sa ulat, sinabi ng kapartido niyang si Duma­guete Councilor Joe Kenneth Arbas na pabalik na si Cordova sa Dumaguete City nitong Linggo, Mayo 30, matapos magbisikleta nang mahigit 30 kilometro nang dumanas ito ng pananakit ng dibdib.

Bumagsak siya sa highway malapit sa St. Paul University.

Na-revive siya ng mga doktor pero yumao rin bandang alas-10:00 ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Noong nakaraang linggo, sinuspinde ng city council ang sesyon nito matapos mahawa sa coronavirus ang karamihan sa mga kasapi nito.

Si Cordova ang unang dinapuan ng CO­VID-19 pero nakabalik na sa trabaho noong Huwebes, Mayo 27, matapos magnegatibo sa kanyang coronavirus test.

Isa siyang abogado, nagtapos sa United States Military Academy sa West Point, Virginia, at naglingkod sa Philippine Army’s Scout Ranger bago pumasok sa politika. Nagsimula si Cordova bilang konsehal noong 2007. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.