Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice Mayor nirapido sa Munisipyo

0 113

Patay ang vice mayor ng bayan ng Mabuhay sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay habang dalawang iba pa ang sugatan matapos silang pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa tapat ng nabatid na munisipyo ng nasabing bayan Biyernes ng hapon.

Dead on the spot si Mabuhay Vice Mayor Restituto Calongne, na nagtamo ng mga bala sa katawan habang sugatan ang dalawang iba pa na sina Engr. Edgar Pampanga at Hdj. Abduhari Gapor na nakaratay ngayon sa ospital.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 sa Camp Crame, naganap ang pamamaril alas-3:05 ng hapon sa harapan ng Mabuhay municipal hall, Barangay Poblacion habang nag-uusap ang mga biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bigla na lang umanong sumulpot ang nag-iisang suspek na naglalakad lang at armado ng .45 kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang tatlo bago tumakas patungo sa isang motorsiklong naghihintay sa kanya di kalayuan sa crime scene.

Base sa ulat, dead on the spot ang bise alkalde habang ang dalawang sugatan ay agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang hot pursuit ng pulisya sa posibleng paghabol sa mga suspek habang nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga ito para sa mga posibleng motibo ng pamamaslang. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.