Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice mega harot sa kandungan ni Ion

0 239

NI: ARCHIE LIAO

Dati-rati, aligaga si Vice Ganda na mag-post ng picture tungkol sa kanyang lovelife. Nabago ang lahat nang magkaroon ng pandemya.

Ngayon, vocal na rin ang It’s Showtime host na pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa usapin ng kanyang puso.

Aniya nga sa kanyang vlog, isa raw sa na-realize niya noong pandemic ay napakaikli ng buhay kaya might as well i-enjoy na lang niya ang kanyang earthly existence.

Kaya naman, keber na siya sa sasabihin ng kanyang bashers, basta maligaya raw siya.

Sa content ng kanyang vlog, happy na siyang naisi-share ang bonding nila ng kanyang boyfie na si Ion Perez.

Huling naibahagi niya ang kanilang latest trip sa US na magkasama.Pati na ang bonding ng pamilya niya at ng family ni Ion noong Pasko.

Sa kanya namang Instagram account, marami ang nainggit sa ibinahagi niyang photo nila ni Ion habang naglalakad sa dalampasigan.

May caption itong : “Look at us. Unbothered.”

Ibig sabihin, wapakels na lang sila sa bumabatikos sa kanilang relasyon.

Sa isa namang post niya, mega harot naman siya sa dating Kuya Escort habang nakaupo siya sa kandungan nito.

Marami namang kibitzers ang natuwa sa nasabing photo dahil pakiramdam nila ay natagpuan na ni Meme Vice ang lalakeng magpapaligaya sa kanya.

Abangers naman ang iba, kung kelan ang announcement ng kanilang engagement.

Leave A Reply

Your email address will not be published.