Abante Tonite Interactive

Vice nag-init kay Daniel

By
1,831

tonite-pak-allan-dionesWala ni katiting na insecurity sa katawan si Daniel Padilla nang purihin niya ang mga sikat na loveteam ng ABS-CBN sa guesting niya sa ‘GGV’ nu’ng Sunday.

Ang ganda ng sinabi ni Daniel sa JaDine loveteam na si Nadine Lustre raw ay rock & roll at fearless na babae na alam ang gusto nito at wala raw masama roon.

Cute naman ‘yung hirit niya na poging tao si James Reid, tapos ay talentado sa pagkanta at magaling pang suma­yaw. Kaya the ultimate artista raw si James para sa kanya.

Perfect loveteam naman ang tawag ni Daniel sa LizQuen. Masyadong magaganda raw na mga tao sina Liza Soberano & Enrique Gil at mahuhusay pang umarte kaya baby rin ang mga ito ni Direk Cathy Garcia-Molina (katulad ng KathNiel). Talentado at mababait ang description niya sa LizQuen.

Ang JoshLia loveteam nina Joshua Garcia & Julia Barretto ay Rico Yan & Claudine Barretto raw ang dating kay Daniel. At mahusay raw umarte pareho ang dalawa.

Dahil ‘Tanong Mo, Mukha Mo’ ang pamagat ng segment ng ‘yon ng ‘GGV’ ay pinilit ni Vice na magtanong ng kahit na ano si DJ, na ang gusto lang ay magbigay ng opinyon dahil wala raw itong tanong.

Sa kakapilit ni Vice na magtanong ay “Gaano na kayo katagal?” at “Kailan naging­ kayo?” ang napiling itanong ni DJ sa JaDine, LizQuen at JoshLia.

Doon naman sa tanong ni Julia kung anong secret sa long lasting relationship nina Daniel at Kathryn Bernardo, ang ganda ng sagot ni DJ na, “Wala namang sikreto, wala naman siyang formula.”

Sa sundot ni Vice kung bakit sila nagtatagal ni Kath, ang sagot ng Kapamil­ya heartthrob ay, “Gusto kasi naman na magtagal. Maraming pagkakataon na binigyan ako ng choice kung gusto ko at lagi kong pinipili na gusto ko.”

Impressed si Vice sa pagsagot ni DJ kaya sabi nito, “You’ve matured a lot!”

Napakaguwapo ni Da­niel sa solo guesting niya na ‘yon sa ‘GGV’. Asian heartthrob ang taguri sa binata, pero hindi raw ito naguguwapuhan sa sarili nito.

Kuwela ‘yung banat ni Vice kay DJ na, “I find you hot, bro! Given a chance bro, just one night! Chill-chill lang tayo sa Antipolo!”
“Huwag, bro! Awkward!” tatawa-tawang reaksyon ni Daniel, na ayaw pinupuri ang kaguwapuhan kaya ‘yun daw ang pambuwisit dito ni Vice.

Nabanggit din ni Vice kay DJ ang tungkol sa pag-amin nito finally na officially ay more than 5 years na sila ni Kathryn.

Kinilig pa rin si Vice sa admission na ‘yon ni Da­niel dahil kahit alam niyang may relasyon na ang dalawa, siya raw mismo ay hindi niya alam kung gaano katagal na ang KathNiel.

Nangangamoy blockbuster na naman ang bagong KathNiel movie na ‘The Hows of Us’ na bukas ang showing in cinemas nationwide.

 

Maine inisnab ang proposal kay Sheena

 

Sobrang sweet ng naisip na paandar ng nobyo ni Sheena Halili para sa proposal nito sa Kapuso actress.

Sa loob ng isang sinehan naganap ang pagpo-propose ni Jeron Manzanero kay Sheena, na saksi ang malalapit na kaibigan nila.

Sa big screen nag-flash ‘yung tanong na “Sheena, Will You Marry Me?” na si­yempre ay sinagot ng “Yes!’ ng GMA star.

Hagulgol si Sheena nang pumasok sa Promenade Theater Mall si Jeron dala ang engagement ring habang tumutugtog sa background ang ‘Tadhana’ ni Moira dela Torre.

Sobrang touching ng moment kaya naiiyak din ang kanyang non-showbiz boyfriend nang lumuhod ito hawak ang singsing.

Super-kilig ang friends ng dalawa gaya nina Glaiza de Castro, Katrina Halili at Juancho Trivino dahil kita nila ang nag-uumapaw na pagmamahalan nina Sheena at Je.

Proud na proud si Sheena sa pag-display ng kanyang diamond engagement ring after. Feel feel niya ang pagiging soon-to-be Mrs. Manzanero.

Late last year lang pinost ni Sheena sa social media ang tungkol sa kanyang boyfie na isa palang lawyer.

Hindi na masasabing nagmamadaling mag-asawa si Sheena dahil 31-an­yos na siya.

May mga nagtaka kung bakit wala ang friend ni Sheena na si Maine Mendoza para saksihan ang momentous event na ‘yon sa buhay ng kaibigan nito. Hindi na ba sila close?