Abante Tonite Interactive

Vice nag-sorry sa pang-iisnab sa concert ng JaDine

By
0 3,318

HUMINGI ng paumanhin si Vice Ganda sa mga fans nina James Reid at Nadine Lustre kaugnay sa hindi niya pagsipot sa concert ng dalawa. Ito’y ang “Revolution” na ginanap nu’ng Biyernes, Feb. 9 sa Smart Araneta Coliseum.

Ilang oras bago naganap ang concert, nag-tweet na si Vice sa kanyang account at ibinalitang hindi siya makakadalo para mag-perform.

@vicegandaako, “Paumanhin I won’t be able to perform sa JADINE CONCERT mamaya. Di pko puwedeng sing and dance at baka malaglag ang napkin ko sa stage.”

Anyway, naunawaan naman ng mga fans ng JaDine ang sitwasyon ng komedyante.­

Hindi naman naging malaking kawalan si Vice sa excitement ng mga nanood ng concert. Base sa mga news at video feeds dinagsa naman ng maraming fans ang palabas.

Helen Gamboa malaking parte ng hiwalayang ShaGab

TULOY-TULOY ang Sharon-Gabby reunion fever sa social media partikular na sa Instagram kung saan halos minu-minutong nagpo-post ang megastar na si Sharon Cuneta. May update siya sa kaganapan sa TVC ad nila ni Gabby Concepcion.

Phenomenal naman kasi ang balik-tambalan na ito na matagal nang hinihintay ng kanilang mga supporters. Isa pa sa naging emosyonal sa reunion na ito ng ShaGab ay ang tiyahin ni Shawie na si Ms. Helen Gamboa-Sotto.

Naka-post sa IG wall ng megastar ang short video footage kung saan makikitang humahagulgol si Helen. Natakpan ng tissue ang kanyang bibig habang pinapanood sa cellphone ang TVC ng dalawa.

Hindi alintana ni Helen ang nagkakantyawan at nagtawanang mga tao sa paligid niya. Patuloy siyang lumuluha habang nanonood.

Ipinaliwanag ni Sharon kung bakit malakas ang impact sa kanyang Tita Helen ang pagbabalikan nila ni Gabby bilang love team.

@reallysharoncuneta, “Ano ba naman ang TVC na ito?!!! Pati Mama Helen ko napahagulgol. Siyempre, she was there from the very beginning…MAMA MAY I REMIND YOU WHEN WE BROKE UP THE FIRST TIME WHEN I WAS 16 AND LIVED WITH YOU IN WHITE PLAINS FOR A WHILE HE CAME PALA SEVERAL TIMES AND YOU DIDN’T LET HIM IN AND YOU DIDN’T TELL ME! AND YOU KEPT ALL HIS LETTERS! I HAD NO IDEA! I FOUND OUT HIWALAY NA KAMI AT MAY ANAK NA! HAHAHAHAHA!

“Awwwww Mama ko…itchokey.. he is happy na and me ren, so please stop crying. STOP WATCHING IT OVER AND OVER AND OVER! CIARA!!! DON’T GIVE HER NA THE PHONE! HAHAHAHA! Jusko pati lahat ng Gamboa kong Tita at clan ay nabulabog. First time in our history ito ano ba yan! Hahaha! (posting this video with permission) @concepciongabby @itskcconcepcion.

Ang naturang video ay kinunan pala ni Ciara Sotto.Ayon sa comment niya sa IG ni Sharon…

@pinaypole, “@rmdelro ya cos I was crying tooo while taking her video! Hahahaha! And laughing at the same time.”

Asahang aabutin pa ng ilang linggo ang fever ng TVC ng Gabby-Sharon.

KZ pinataob si Jessie J

HINDI lang pinuri kundi inulan ng congratulatory messages si KZ Tandingan nang kumalat sa social media ang pagpapataob niya kay Jessie J. sa China’s reality search singing competition na “Singer 2018.”

Sey ni @inigopascual, “Out of words.. not surprised.. I knew she had it all along, and she’s just getting started. That’s my ate right there @kztandingan.”

Pang international ang comment ni Angeline Quinto sa kapwa kasamahan sa ASAP.

@loveangelinequinto. “Kaze (KZ), hinding-hindi ako nagkamali. Pang-international talaga ang talent mo. ‘Yan na yun kaze. Para sa yo talaga yan. Good luck and God Bless you @kztandingan #pinoypride #thankyoulordforeverything”.

Ayon naman kay @yeng, “Congratulations KZ!!! Iba ka!!! @kztandingan.”

Sa video teaser ng competition nagpahayag ng pagka­bilib nya si Jessie J kay KZ at sinabi nitong “big voice”.

***

MARAMING tatamaan sa mensahe ng pelikulang “Meet Me In St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Ito ‘yung kuwentong “sablay” sa mga pagkakataong akala mo ay totoo na, pero laging may kung anong aberyang humaharang.

Ang ganda ng pagkakalahad ng kuwento at direksyon. Bawat bitaw ng linya ay tumutugma sa kung saang lugar naroon ang dalawang artista.

Ang husay ng pagkakaganap nina Bela at Carlo sa kani-kanilang mga eksena, kaya sinasabi na naming kailangang magbitbit ng panyo ang sinumang manood ng pelikula.

Bagong putahe naman sa drama acting ang ipinakita ni Bela.