Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice nag-walkout sa Showtime

0 812

Bigla na lamang nawala sa stage si Vice Ganda sa opening number ng ‘It’s Showtime’ nitong Sabado.

Kita ang lungkot sa mukha ng komedyante habang kinakanta ang opening song ng kanilang noontime show, nang bigla na lang itong lumaho sa gitna ng stage ng itutok sa ibang tao ang camera.

Related Posts

Sa kanyang tweet, pinaliwanag ni Vice na hindi niya napigilang maiyak kaya’t piniling lumisan muna sa stage at ilabas ang nararamdaman.

“Kailangan kong umexit sa point na yun para umiyak. I couldn’t fake it. Pero ok nako after humagulgol,” ayon kay Vice.

Ito’y nangyari isang araw matapos desisyunan ng Kongreso na ibasura ang franchise application ng ABS-CBN para tuluyang hindi makabalik sa ere. Napaso ang prangkisa nito noong Mayo. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.