Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice nagmamakaawa sa mga Kongresista

0 715

Nagsumamo si Vice Ganda tungkol sa ABS-CBN shutdown.

“Nananawagan kami sa inyo mga Kongresista. Pakinggan nyo pa ang boses nya na punong puno ng lungkot, pangamba at pagmamakaawa. Mahabag po kayo sa kapwa nyo mga Pilipino. Magkakababayan po tayo. Wag nating gipitin ang isa’t isa.”

Tungkol ito sa sinabi ng ABS-CBN Union President Jon Villanueva na hindi na raw makatulog ang ibang empleyado dahil palapit nang palapit ang taning na puwedeng magkaroon ng retrenchment sa nasabing istasyon.

Sa hiwalay niyang post, “Kailangan namin ang suporta ninyo mga Kapamilya. ‘Wag nating hayaang magdusa ang mga pamilya ng mga tuluyang mawawalan ng trabaho,” lahad niya sa Twitter.

Nilakip din niya ang pahayag ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak nang tanungin sa House hearing kung kumusta na ang mga empleyado mula noong magsara ng Mayo 5 hanggang ngayong Hunyo.

“Hirap na hirap po ang mga empleyado namin. Unang-una, sa panahon po ng pandemya ay mahirap talaga makahanap ng panibagong trabaho,” deklara ni Katigbak.

“If you are retrenched and laid off, you will have to deal with fear and uncertainty of not knowing how you will continue to provide for your family,” dagdag pa niya.

Una nang sinabi ng network executive na kung magtatagal pa ang shutdown ay hindi malayong hindi kayanin ng TV network ang pagkalugi at kailanganin nang magbawas ng tao.

Aabot umano sa P35 milyon kada araw ang nawawala ngayon sarado ang ABS-CBN .

Tigil ang operasyon ng nasabing network matapos na maglabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission laban sa network. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.