Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice nagpasaklolo kay Yorme

0 399

Humingi ng saklolo si Vice Ganda kay Manila Mayor Isko Moreno or Yorme para sa naarestong Pride month demonstrators last Friday dahil umano sa paglabag sa COVID-19 protocols.

“Saklolo Yorme @IskoMoreno!!!” ang tweet ni Vice Ganda.

Ipinaalala rin ng TV host/comedian kay Yorme ang parating sinasabi ng alkalde tungkol sa LGBTQIA+.

“Anu tooooooooo????? Pakiexplain po? Saklolo naman po dyan Yorme!!!! Sa aking pagkakaalam LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme. Beke nemeenn!!!” tweet pa niya.

Matatandaang ilang participants ng Pride march ang inaresto habang nagra-rally ang mga ito sa Mendiola dahil lumabag daw ang mga ito sa physical distancing, bagay na itinataggi ng mga rallyista.

Samantala, maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay naglabas din ng kanyang opinyon at kinondena ang ginawang pag-aresto sa mga rallyista.

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response.

“If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force? Why the withholding of rights (witnesses said they were not read their miranda rights before arrest nor given reason of arrest)? Videos circulating online confirm this.

We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up,” ang pahayag ni Catriona sa kanyang IG.

Leave A Reply

Your email address will not be published.