Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice nagtampo kay John

0 143

NI: Archie Liao

Gaano katotoo ang tweet ng isang birdie na may silent feud sina Vice Ganda at John Prats?

Nag-ugat daw umano ang away nila dahil iniwan ni John bilang director ang It’s Showtime para mag-codirect sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sumama raw umano ang loob ni Meme Vice kay John. Buong akala nito ay mag-i-stay na ito bilang resident director ng nasabing noontime show.

Diumano, na-hurt daw ang komedyante sa naging desisyon ni John lalo na’t ito ang tumatayong bangka ng It’s Showtime family.

May mga tsika ring in-unfollow na nina Vice at John ang isa’t-isa sa Instagram.

Kung totoo man ito, sana naman ay maayos na ang kanilang gusot lalo pa’t iisa lamang ang network na kanilang pinagtatrabahuhan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.