Abante Tonite Interactive

Vice nanita ng flight attendant

301
“Flying back to Manila now. Praying na ‘wag madelay ang flight. ‘Pag nagkataon si Mariel lang ang host ng Showtime,” tweet ni Vice Ganda kahapon.

 

Galing sa Hong Kong ang komedyante-host kasama sina Anne Curtis, Jhong Hilario, Karylle, Ryan Bang.
Pero nakarating naman sila sa nasabing noontime show. May nakakatuwa pa nga siyang kuwento.

 

 

Kaaliw si Vice dahil sinita niya ang isang flight attendant sa plane na sinakyan. Tinawag kasi siyang ‘sir’ kahit naka-make up ito at mahaba ang hair

 

Buong ningning na tinanong ni Vice kung anong bahagi ng katawan niya ang ka-sir-sir at anong parte ng katawan niya ang mukha siyang lalaki para ipabago niya.

 

Nag-sorry na lang daw ang attendant.
Sa airport naman ay ina­lok siya ng wheelchair kaya lalong uminit ang ulo niya.

 

Feeling niya ay mukha siyang mahina, uugod-ugod at kailangan ng medical na tulong.