Abante Tonite Interactive

Vice natatakot sa kapatid na doktor

768

NI: ROMMEL PLACENTE

MAY nakatatandang kapatid si Vice Ganda na isang doktor. Naikuwento niya sa live streaming ng It’s Showtime nu’ng Martes, na natatakot siya para rito .

“‘Yung ate ko kasi, alam mo, ‘yun ang nagpapabigat sa akin every day. Kasi ‘yung ate ko ay doctor, she goes to the hospital every now and then. So, exposed siya. Ang lungkot ng buhay niya kasi ospital, tapos kapag uuwi siya ng bahay hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto. Hindi niya nakakasalamuha ang nanay ko, hindi siya puwedeng tumabi sa nanay ko kasi ang nanay ko ay matanda na. So pagkagaling sa ospital, from sasakyan, diretso ng kuwarto, tapos dinadalhan lang siya ng pagkain,” sabi ni Vice

“Alam mo nakakaawa ‘yung pagkain niyang inaabot lang sa pinto. Kasi nga exposed siya,

“Every day, hinaharap namin ‘yung fear na baka, hindi ba? Kasi exposed nga siya sa danger. Kaya noong nakaraan nagte-text siya sa akin kasi natatakot siya, pero kailangan niyang gampanan ang trabaho niya bilang doktor. Siyempre kailangan ko maging malakas kasi sa pamilya namin, parang ako ‘yung panganay. Hindi ako puwedeng mahina, so kailangan malakas ako. Tinext ko lang siya ng isang linya. Sabi ko ‘Your faith must always be stronger than your fears.’ ‘Yun lang ang tinext ko. Hindi ako puwedeng magparamdam na natatakot ako para sa kanya, kasi baka lalo siyang matakot,” lahad pa ni Vice.

Para sa komeyante, naniniwala siya na matatapos din ang krisis na ito sa tulong ng Diyos.

“Ako talaga kapit na kapit ako sa paniniwala na maayos ang lahat, masi-save tayong lahat. We have a God who saves and we have a God who will provide for everything that we need.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad