Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘nilandi’ ng afam

0 66

Ni: Archie Liao

Ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang food trip kasama ang kaibigang si MC Muah sa isang pamosong Japanese at Asian food restaurant sa Hollywood . Isa ito sa episode ng kanyang vlog na “Pak-Chef, pang-Hollywood ang lafang.”

Aniya, tanyag daw ang nasabing diner dahil dinadayo pa ito ng Hollywood celebrities tulad ng Fil-Am singer na si Bruno Mars.

Nakatalamitam din ni Vice ang executive chef ng restaurant na isang Ilokana .Ipinatikim sa kanya ang kanilang specialty gaya ng sushi, sashimi, wagyu at iba pa.

Ipinakilala pa ni Chef Valerie ang “It’s Showtime” host kay Joey, guwapong afam na special serve niya.

Gayunpaman, kahit nilandi siya ng server ay cool pa niyang sinabi na taken na siya at married kaya hindi na siya nagi-entertain ng questions.

Sa halip, inireto nito ang kanyang kasamang si MC sa afam.

Nang mag-join naman sa kanila si Joey, game itong tumabi kay MC at inakbayan pa ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey ni Joey, katatapos pa lang daw ng birthday niya.

Dahil dito, kinantiyawan ni Vice ang Kano na i-kiss si MC.

Tumalima naman ang afam kaya kinilig pareho ang magkaibigan.

Hindi pa nagkasya si Vice sa pambubuyo kay Joey dahil ini-request pa nitong magpa-sampol ito ng Valentine at Christmas kiss.

Nag-enjoy naman si Vice sa kanilang tsikahan ni Chef Valerie na itinour pa siya sa iba’t-ibang lugar

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang sinabi ni Vice sa server na may asawa na siya kaya off-limits na sa kanya ang mga hombreng maglalandi sa kanya.

Katunayan, kinilig sila para kay Ion Perez dahil pinatunayan ng komedyante na loyal siya sa kanyang asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.