Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice, Paolo, BB umurong ang yagbols

0 117

NI: ALWIN IGNACIO

Hindi ba kataka-taka na tila lahat yata ng bading at tomboy na artista, walang kuda at hanash tungkol sa kanong laya na dahil sa absolute pardon. Takot ma-bash na walang alam o sadyang walang malasakit ? Walang pakialam dahil hindi naman sa kanila o sa mahal sa buhay nila nangyari ang trahedya?

Si BB Gandanghari, patuloy ang pagngawa at paghahabi ng kanyang love recollection. May drama pa nga itong “I am not outing Piolo,” pero tungkol sa pambabalahura kay Jennifer Laude, deadma!

Si Vice Ganda, hands on na hands on nga ba siya sa “network” niyang parang wala namang public support or mas hands on siya sa dyowa niyang si Ion Perez?

Happy at good vibes na lang ba palagi ang Queen Bayot kaya ang sinapit ni Laude, ay makatarungan?

Eh ang the Other Queen P, si Paolo Ballesteros, parang kahit kailan naman tikom ang kanyang makipot na bibig sa mga bagay na politikal? Kapwa bakla mo na ang pinaslang tapos ang salarin dahil sa “good behavior” at “served na ang sentence” meek as a lamb lang ang emote.Deadma to the world basta importante ikaw ang pinakamaganda sa lahat?

Eh ang mga transmen na tulad nina Ice Seguerra at Jake Zyrus, dahil ba sa mga “lalaki” na sila, di na sila pumiyok sa kahambal-hambal na sinapit ni Jennifer?

Nakakalungkot ang pananahimik na ito. Sa true lang. Ilang Jennifer Laude pa ba ang dapat mautas bago magising ang lahat?

Leave A Reply

Your email address will not be published.