Abante Tonite Interactive

Vice, Paolo pasimuno ng sabong ng mga bading

0 2,586

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Mukhang may bagong segment nga­yon sa Eat Bulaga na tunay na isang libo’t isang tuwa ang inihahatid, ito ang BakClashers. Walang duda na spoof ito of the singing show na ang host ay ang soon to be Kapamilya na, si Regine Velasquez Alcasid.

Ang bongga sa patimpalak, ang nagkakabugan, mga maricon na boses babae pag umaawit. Kaya ang drama, palinisan ang falsetto, ang pagbigkas sa letra, at siyempre pa, dapat hitting the high notes ang mga maricon.

Birit kung birit ang mga boses na ipit na ipit, sa tanghaliang tapat, at naka-pang lown gown competition ang mga hitad.

Kuwelang aspect ‘yung itinatanong na bakit siya ang dapat tanghaling BakClasher of the day at ang tarayan kung saan makikita kung sino ang bibo at sino super witty makipagtalastasan.

Ang biggest bentahe siyempre pa ang talento sa pag-awit ng mga maricon. Dito, hindi pa rin maiwasan na sila ay tinutudyo, at least hindi pinahihirapan at pinagdudusa ang mga bakla.

Ang the Other Queen P, si Paolo Ballasteros na pumopormang Ate Chona ang nagsisilbing major segment host kasama sina Wally Bayalo at Jose Manalo.

Ang BakClashers na kaya ang magiging ma­tinding Eat Bulaga pantapat sa Ms. Q and A na siyang nagre-reynang u­ring patimpalak pang-beki sa telebisyon na flagship segment sa It’s Showtime?

Labanang the other Queen P at Queen Bayot Vice Ganda, why not? Giyera ng mga sirenang umaawit versus mga diwatang may kakaibang karisma at talino, aba masayang sabong ito tuwing tanghali, huh!

Ngayon pa lang, ang diva that you love excited na sa mga possibilities sa BakClashers lalo na kung may grand finals na mangyayari para sa bagong singing competition. Walang dudang maraming mahuhusay na singing maricon ang madidiskubre sa All For Juan, Juan For all palabok segment na ito. Sa true lang, ang magwawagi sa giriang ito, siyempre ang mga televiewer! Wapak talaga!

Jake, Diego, Albie, Marco palayuan ng tilamsik

Matapos ang awitan at pagalingan sa pagsagot, tiyak ang buong fuerza ng sangkabaklaan, tututok, mangingignig, maglalaway, magmamantika, at may kung anong bubulwak sa imaginary nating mga pagkababae kasi nga ang hombrelicious at papalicious ng Los Bastardos, gigisinging ang ating mga ulirat.

Sino ba ang tunay na magpapatigas sa mga utong at magpapagalit sa mga iniipit ng mga ugat ng mga bekibel?

Ang mature at with oh so kissable nips bang si Jake Cuenca, lagnat ba ang ihahatid?

Si Diego Loyzaga, mukhang maginoo, pero may pagka-bad boy pala at medyo bastos, siya ba ang magpapabasa sa mga panty shield ng mga tunay na kababaihan?

Ang sexiest young actor alive, si Marco Gumabao na ang bulbuling mga kili-kili ay nagpapa-precum sa mga pamhinta at boy borta, siya ba talaga ang bukod tanging lalaking kaluhod-luhod sa lahat?
Ang pilyo, tila mapaglaro at ingliserong si Albie Casiño, siya ba ang dahilan kaya mas marami ang tuhod na manghihina at Joshua Colet, bago sa paningin, kakaiba ang pagka-brusko, siya ba ang lalaking bagong pantasya ng bayan?

Walang dudang maraming tututok sa bagong show na ito lalo na nga’t ang bentahe talaga nila ay young men meat.

Sa mga bet ay daddy-daddy, well, your cravings are definitely satisfied and satiated kay Geoff Eigenmann.

At for all the guilty pleasures at pagmamaganda dahil may pribelihiyong magmaganda, si Roxanne Barcelo ay kasali sa afternoon kaya makakaasa tayo na hindi lang cock fight ito, may cat fight at pussy war rin care of La Barcelo.

Eskrimahan kung eskrimahan! Patigasan ng mga ugat! Pabukulan ng mga iba’t ibang klaseng muscles! Palayuan ng tilamsik…. ng pawis! Pabulwakan ng milk of human kindness! O di ba, panalo ang ravan kung ravan sa Los Bastardos!