Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice parang department store ang aparador

0 131

Totoo nga ang sinabi ni Vice Ganda, mas malaki pa sa master bedroom ng kanyang bagong bahay ang kanyang walk-in closet.

Ang closet ang “pinakamalaking silid” sa nasabing bahay na nakapuwesto sa second floor.

Sa part 2 ng kanyang house tour vlog sa YouTube, nilibot ng komedyante ang kanyang mga kaibigan na sina Kitty, Orle, at Negi sa master bedroom na may entertainment area sa loob, at ang walk-in closet na parang department store sa laki.

May section sa kanyang closet na para sa mga sapatos, gown, designer bags, at iba pa. Meron ding dressing area sa mismong closet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bilang Christmas gift, binigyan pa ni Vice ng isang designer bag si Negi, na nagtatalon sa tuwa.

Sa vlog, natanong si Vice kung anong feeling na nakapagpatayo na ito ng sariling “valur.”

“Nung unang araw, siyempre nakakaiyak. Nakakaiyak talaga siya kasi siyempre, hindi ko inisip na magkakaroon ako ng ganitong bahay,” sagot ng ‘It’s Showtime’ host.

“Tapos maiisip mo na may napuntahan lahat ng mga ginawa mo sa buhay mo kasi hindi ko naaksaya iyong mga binigay sa akin. Hindi ko naaksaya iyong mga biyaya na binigay sa akin, hindi ko rin naaksaya iyong talent na pinahiram sa akin.”

“Kumbaga iyong life ko, nu’ng nakita ko ito, nu’ng nagawa na ito, feeling may nagawa akong tama ako sa buhay. May mga nagawa akong magagandang desisyon para magawa ko ito,” sey pa niya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.