Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice pinagtripan si Jodi

0 381

NI: ARCHIE LIAO

Malakas ang “aliw factor” ng ginawang pagge-guest ni Jodi Sta. Maria sa “Hide and Sing” segment ng It’s Showtime.

Bilang “Tagohula”, may pinahulaan sa aktres sa nasabing noontime variety show.

Inurirat siya ni Kim Chiu kung ano ang kanyang final answer.

“Nakaka-confuse, pero for me siguro, I’ll stick with my answer kanina. Number three,” sey ni Jodi.

Pagkatapos magbigay ng huling sagot, hindi naman siya nilubayan ni Vice Ganda sa panunukso tungkol sa rumored boyfriend nitong si Raymart Santiago.

“Three yan. Support kita, naku. You stick to number three, pinagpapala ang mga nag-i-stick no,”sey ni Vice.

SM food to go Banner Ad

“Kilala ko yung number three. Kilalang kilala ko yan, napapanood ko yan. Pamilya yan ng artists. Raymart yan, hundred percent,” dugtong ng comedian.

Sapul ang hirit ni Vice dahil si Raymart na kasi ang pangatlong seryosohang relasyon ni Jodi after Pampi and Jolo.

Umani naman ng tawanan sa mga co-hosts na sina Amy Perez, Kim Chiu at Karylle ang panunukso ni Vice kay Jodi.

Pati ang bida ng “Ang Sayo ay Akin” ay hindi rin maiwasang mapa-react.

Reaksyon naman ng ilang netizens, dapat maging maingat o careful na raw ang aktres with her heart dahil ikatlo na raw niya ito.

May ilan namang nagmamaasim na kuwidaw daw ang aktres kay Raymart dahil parang wala silang nakikitang chemistry sa dalawa.

Anila, stick to her son Thirdy na lang daw si Jodi at ito na lang daw ang kanyang asikasuhin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.