Abante Tonite Interactive

Vice, pinakain ng alikabok si Kris

By
Kris Aquino
14

ANG tapatan na #TripNiKris at Gandang Gabi Vice ay lumabas na.

Siempre pa, sa TV tapatan na ito, ang nagwagi ay ang show ni Di Kagandahang Bisyo.

Ni hindi yata nag-effort ang GGV para baguhin ang kanilang mga pakulo.

As is, where is ang kanilang programa. Hindi nila sineryoso o kinunsiderang “threat” ang one night only comeback ni Tetay, at sa parehong ratings provider na Kantar Media at AGB Nielsen, eat my alikabok ang tourist-friendly palabas ni Aquino.

Sino ang dapat sisihin sa under performance of Krissy’s show?

Time slot? Marami kasi ang nagsasabi na masyadong gabi ang Sunday Night Box Office time slot kaya majority of the people, mas pinili ang matulog at magpa-close ng pores with their airconditioning units in full blast.

Kasi, nakakautas ang tag-init.

Promotions? Wala kasing major, major press con ang #TripNiKris at hindi naitago ni Aquino ang kanyang pagkainis tungkol dito sa kanyang panayam sa isang entertainment portal.

‘Kinabaliw ni Kris na may pa-presscon ang producer nitong si Ms. Doray Morales at anak na si Renan Morales pero siya, wala.

Itinanggi rin ni Kris ang “linking” niya kay Renan at feeling niya na “use me in a sentence” siya of the mother-and-son producing tandem dahil may higher government post aspiration daw itong si Renan.

Sa nasabing pocket press con, inurirat ang anak ni Tita Doray tungkol kay Aquino and he politely declined to comment on it at tila ill at ease siya na “ma-link” sa former presidential daughter and sister.

Water under the bridge na ang pangne-nega ni Aquino sa mag-inang producer.

Kahit anong yakyak at emotada encarnacion sa exclusive interview, hindi nito mababago ang katotohanang hindi impressive ang rating digits ng #TripNiKris.

Pagkalaki-laking sampal nito sa kanya.

The truth hurts, ‘ika­nga.

Hindi ang mga Morales ang bentahe ng programa — siya.

Dahil hindi ito bumenta, this is proof na ang one time, high and mighty Queen of All Media, wala na ang clout sa audiences.

Ang one time fascination at approval sa kanya of her adoring public, nag-dwindle.

Kris Aquino must seriously re-evaluate her core strengths. She must be extra careful, lalo na on choosing the opportunities that come her way na dapat niyang tanguan at tanggapin.

She must also ponder kung ang magazine travel show format ba ang kailangan niya sa kanyang karera or what she needs to do, to remain relevant sa showbizlandia.

Pwede niya kayang i-consider ang maging behind the camera, as an executive producer or creative consultant perhaps of programs na kakaiba at wala pa sa Philippine television?

Oo, marami pa rin ang amused sa one liners and statements niya sa show.

Kaya lang, tila ang majority of the viewing public, sawa na. Been there, done that na ang kanyang pa-witty, if not pa-bratinella manner of reaction shots.

Kaya itong pralala na she is bound to be part of an international movie, ang madlang pipol, ang mga kilay ay nakataas, lalo na’t alam natin na hindi actress exrtraordinaire si Kris.

Ang diva that you love, nananalig na Kris must do other things na mas higher ang cause. She must turn her head and resources sa seven arts.

Pwede siyang mag-establish ng arts program for the disadvantaged.

Dito, ang mga economically challenged high school students, may free transportation, food and tickets to watch a ballet, a play, or a folkloric dance company show.

Kasama niya ang mga estudyanteng manonood during the gala at may meet-and-greet afterwards with the artists.

Pwede siyang mag-sponsor ng mga visual arts exhibits of up and coming contemporary painters.

Pwede ring mag-establish siya ng funds para sa preservation of oral folk tales, gagawing mga soft bound books at ipamimigay sa libraries ng public schools at state owned universities.

She can do a talk show na ang kapapanayamin, the movers, shakers and icons of the Philippine arts.

Hindi ba panalung-panalo kung ganito ang gagawin ni Aquino?

Hindi makatarungan na isama na si Kris Aquino sa League of Extra Ordinary Has Beens o ituring na siyang finality The WHO.

She knows how to surprise and shock us all.