Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice pinalayas ni Ethel sa condo

0 103

NI: Vinia Vivar

Tawa kami nang tawa habang pinapanood namin ang collab vlog nina Vice Ganda at Ethel Booba sa YouTube channel ng una.

Puro kabaliwan kasi ang kanilang tsikahan na pati nga ang mga netizens ay aliw na aliw.

‘Kaaliw ang kuwento ni Vice na nakitira minsan si Ethel sa kanya pero ang ending, siya pa ang pinalayas.

“Kasi ito (Ethel), sa aming barkada, pasaway talaga siya,” kuwento ni Vice. “As in minsan, sumasakit ang ulo naming magkakaibigan sa kanya, sa kaiisip sa kanya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tumira nga ‘to sa condo ko, pinagtatapon ‘yung gamit ko, di ba? ‘Yung parang ako pa ang pinalayas niya dati. Sumasakit talaga ‘yung ulo ko sa kanya.

“Sa’n ka nakakita na ‘yung best friend mo, tumira sa condo mo, ta’s nun’g nagalit sa ‘yo, pinagtatapon ‘yung gamit mo sa labas. Ha? Ano ako, border?” pagbabahagi ni Vice,

Tawa naman nang tawa si Ethel at nangatwiran na ang tagal daw kasing umuwi ni Vice ng bahay.

“Sabi niya, ‘sandali lang ako.’ Ang tagal mo kasi, eh matutulog na ‘ko,” natatawang katwiran ni Ethel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.