Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice power trip sa cameraman

0 118

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang ginawa ni Vice Ganda na paninita sa cameraman .Nahuli niya kasi itong natutulog sa recent episode ng programa niyang “It’s Showtime.”

Habang pinagbe-belly dance kasi niya ang isang Sexy Babe contestant,unti-unti siyang lumapit sa kanilang cameraman na naiidlip dahil sa kapaguran.

Nagising naman sa pagkabigla ang cameraman nang live itong tinalakan ng komedyante.

“Iilan na nga lang tayo sa studio, natulog ka pa? Wala na nga tayong madlang people na nagri-react, nagbawas pa tayo ng isa? Nabawasan tayo ng isang ulo,” paninita ni Vice.

Inudyukan naman ni Vice ang contestant na sayawan ang kanilang cameraman para magising ang katawang-lupa nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey pa niya, marahil daw ay na-bad trip si Kuya sa pang-iistorbo sa pagtulog nito.

May mga nag-react naman sa umano’y pagtalak ni Vice sa nasabing empleyado.

May mga nagsasabing daig pa raw ni Vice ang mga bossing ng Dos sa pagpa-power trip.

May nagtatanggol naman na dapat lang na ‘wag matulog habang nasa trabaho.

Mula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, si Vice na ang nagsilbing creative consultant ng nabanggit na noontime variety show.

Leave A Reply

Your email address will not be published.