Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice ‘rumesbak’ kay Roque

0 218

Pinatamaan bang muli ni Vice Ganda ang Presidential Spokesperson na si Harry Roque?

Kasunod ito ng pahayag ni Roque kamakailan na ang mga eksperto aniya ang dapat na pagtiwalaan sa mga gagamiting bakuna at hindi mga komedyante.

Ito’y matapos palagan ni Vice ang pahayag ni Roque na hindi dapat maging pihikan ang mga Pilipino sa anumang bakunang ibibigay sa kanila ng pamahalaan.

“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!” tweet ni Vice.

At nitong Miyerkoles sa Tawag ng Tanghalan segment ng “It’s Showtime” ay nagparunggit muli si Vice, “Pero ako, hindi ako clown. I’m a comedian. At may kilala akong clown.”

Inulit niya ito habang nakatingin sa camera: “I am a comedian. You are the clown.”

Kinatuwaan ito ng mga netizen. Hinuhulaan at tinatanong din nila kung si Roque ba ang tinutukoy niya? (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.