Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice sapol kay Direk Bobet

0 454

May point naman daw si direk Bobet Vidanes nang sinabi niyang isa sa mga dahilan kaya siya umalis ay for health reason. Ibig sabihin ay nai-stress at napi-pressure na siya. Marami na raw ang gustong maglider lideran. Si Vice ba ang pinapatungkulan niya?

Sey ng aming source na malamang daw ang naturang TV host nga. Tsika ng aming source dumadaan daw talaga kay Vice ang mga segment nila. Sa katunayan ay may gc nga sila.

Well kung true man, wala naman masamang mag-suggest lalo na kung ikagaganda ng show.

Hindi lang maintindihan ng ibang netizens bat ngayon lang nagsasalita si direk Bobet? Dahil daw ba sa hindi na siya napapag-usapan?

Mula nga raw nang umalis siya sa It’s Showtime at pinalitan ni John Prats ay mas gumanda ang camera angle ng nasabing show.

Pero ang nakakaloka lang,

nabanggit naman sa vlog ni Ogie Diaz na may nakarating sa kaniya na nu’ng makipag-usap umano si direk Bobet sa management ng ABS ay tinanong niya ang mga bossing kung kaya nilang tapatan ang offer ng TV 5. Humindi raw ang Kapamilya kaya ni-let go ang direktor. True ba ito?

Well, marami namang netizen ang nambash kay direk Bobet. Tinawag pa siyang best actor sa pag-iyak niya sa LOL.

Bukas ang panig ni direk Bobet sa mga ibinabato sa kanya.

Aktor ayaw sa katambal

Napipilitan lamang daw ang actor na ito sa loveteam nila ni young actress. Mas gusto raw niya sanang makatambal ang isa pang aktres. Natuwa nga raw siya nang malamang mabubuwag na ang loveteam ni aktres sa kanyang katambal .Umaasa siyang ipapareha sila.

Pero dahil sa success ng serye ni aktor sa young actress ay bibigyan pa sila ng mga projects na magkasama. Click sila at trending din palagi sa social media.

Leave A Reply

Your email address will not be published.