Abante Tonite Interactive

Vice sinisi sa pagsasara ng ABS-CBN

12,346

“Baka sa apat na buwan, hindi lang ‘yung ‘Probinsyano’ ang mai-stop, baka pati ‘yung network mo [ABS-CBN] stop na ‘yan.”

Binalikan ng mga netizen ang tugon ni Pastor Apollo Quiboloy sa hamon ni Vice Ganda na pahintuin ang longest-running TV series na “Ang Probinsyano” at trapik sa EDSA.

“Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ang ‘Probinsyano.’ Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala eh. Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon,” ang noo’y wika ng komedyante ukol sa pahayag ni Quiboloy na siya ang nagpa-“stop” ng lindol sa Mindanao, Nobyembre 2019.

Doon umano nagsimula ang panganganib ng prangkisa ng ABS-CBN Corp. kaya biro ni Facebook netizen Arnold Guartico, “Sisihin nyo si vice. Hahah”

Sa kanyang post, nilakip niya ang mga pahayag nina Vice at Quiboloy.

Pebrero 10, 2020 naghain si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema ng isang “very urgent omnibus motion” para ipawalang-bisa na ang prangkisa ng ABS-CBN, na umano’y nagsasagawa ng “abusive practices” at lumabag sa mga patakaran sa prangkisa.

Nanindigan naman ang TV giant na wala itong nilabag na batas at walang outstanding tax liability sa gobyerno.

Matatapos ang prangkisa ng ABS-CBN sa Marso 30, 2020, at nakabinbin pa rin sa ngayon ang mga panukalang batas sa pag-renew ng prangkisa ng TV network.