Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice sinita si Ion

0 135

NI: VINIA VIVAR

Ikinaaliw at ikinakilig ng mga netizen ang sagutan ng magdyowang Vice Ganda at Ion Perez sa social media.

Nag-post kasi si Ion ng larawan ni Vice na naka-robe ng Versace habang nasa pool side last Sunday.

Caption ni Ion, “omy! Omy!”

Sumagot si Vice sa comment section at sinita niya ang dyowa.

“Hooooooyyyy! Ako magpopost nyaaaaan? Daya mo Noy! Huhuhu!!’ (purple heart emoji)” paninita ni Vice kay Ion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Di nasama sa airdrop kaya ako nalang (winking face with yongue emoji) tuy! Loveyou (three yellow hearts emojis),” sagot ni Ion.

Sapat na ‘yun para kiligin na naman ang kanilang mga fan at komento nga ng isang netizen, sobrang proud daw si Ion sa pagpe-flex sa kanyang misis.

“Kuya @pereziion27 proud na boyfriend ka talaga,…. Ganda naman meme @praybeytbenjamin sanaol fine flex ng jowa,” komento ng netizen.

Comment naman ng isang fan, “Mamamatay nanaman ako sa kilig viceion lng sakalam.”

Sey naman ng isa pa, “kalmahan nyo lang plsss!!!!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.