Abante Tonite Interactive

Vice siniwalat ang pinagdaraanan ni Moira

719

Paboritong i-bash ng mga netizen si Moira.

Katunayan, marami ang naburyong sa estilo ng kanyang pananalita at mababang energy pagdating sa paghuhurado sa “Idol Philippines”.

Kahit tapos na ang nasabing singin­g competition, hindi pa rin tinatantanan ng mga basher ang singer-songwriter.

Kaya naman, to the rescue ang Unkabogable Star at GGV host sa pagpapaliwanag kung bakit tila kapos sa enerhiya o walang kalatoy-latoy ang hitmaker ng “Tagpuan”, “Ikaw at Ako” at “Titibo-tibo”.

Ani Vice: “Alam niyo ho ba, during that time na bina-bash niyo si Moira dahil wala siyang energy at mahina ang boses niya, si Moira po ay may pinagdadaanan sa kalusugan dahil mayroong hindi magandang nangyari sa ilong ni Moira.

At during the time na nagte-tape kami ng ‘Idol Philippines,’ ang taas nu’ng dosage ng drugs na tini-take ni Moira para hindi niya maramdaman ‘yung sakit na nararamdaman niya… Kaya gano’n ang energy niya.

Pero pinagtatawanan at binash niyo siya nang hindi niyo alam na may nangyayaring hindi maganda sa kalusugan ni Moira. How dare you.”

(Archie Liao)