Abante Tonite Interactive

Vice sinugod ni Kris

By
3,283

Tinapos na ni Vice Ganda ang gap nila ng dating ‘asawa’ na si Kris Aquino. Nagpa-block screening si Vice sa TriNoma kagabi ng ‘I Love You, Hater’ bilang suporta kay Kris at sa JoshLia. Naiyak si Kris sa pagkikita nila ni Vice.

Marami ang pumuri sa Unkabogable Star dahil ito ang simula na magiging okey ulit sila ni Tetay.

Sa gitna ng ulan, sumugod sila ni Bimby para samahan si Vice sa panonood. Nasa block scree­ning din sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

“Tigilan na po natin ang paghusga- yakapin natin ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata… #ichooselove #family,” mababasa sa Instagram account ni Kris . May kinalaman kaya ito kay Bimby na naging happy sa muling pagkikita nina Vice at Krissy.
Sabi ni Kris, “Basta happy siya, happy na lahat.”