Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice takot magkaanak

0 540

NI: VINIA VIVAR

Kung dati ay nagpahayag na si Vice Ganda na ayaw niyang magkaroon ng anak, hanggang ngayon ay ganito pa rin ang kanyang stand.

Napag-usapan ang topic na ito dahil may isang contestant sa show na member ng LGBTQ (Lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) na may babaeng partner at may dalawa silang anak.

Ipinahayag niya ang kanyang paghanga sa nasabing contestant at sa lahat ng LGBTQ na kinayang magkaroon ng pamilya dahil aniya, siya raw ay hindi niya kaya talaga.

“Saludo ako sa ‘yo at saka sa lahat ng member ng LGBTQ+ na may mga pamilya, nagtataguyod ng pamilya at matagumpay sa pagiging pamilyado nila. Congratulations sa inyo, saludo ako, dahil hindi ko mawari ang tapang at husay ninyo, kasi ako, hindi ko kaya ‘yun,” sey ni Vice.

Parati nga raw natatanong sa kanya kung ayaw ba niyang magkaroon ng anak. Kung kapasidad ang pag-uusapan, kaya naman daw niya. Pero ‘yung bata raw ang kanyang inaaalala.

“Kung iisipin ko lang ‘yung kakayahan ko, puwede kong sabihin na kaya ko. Pero ayaw ko kasi talagang i-expose yung magiging anak ko sa cruelty ng mundo,” sey ng TV host.

Hindi niya raw kaya kapag sinalbahe ang kanyang anak.

“Hindi ko lubos na maisip yung hirap ng anak ko pag sinalbahe ng mga salbahe. Di ba? Ako na lang. Parang okay lang kahit mag-isa na lang ako, kahit wala akong anak, basta ‘wag lang magdusa yung magiging anak ko kung saka-sakali,” pahayag pa niya.

Kaya labis ang paghanga niya sa mga LGBTQ na nagdesisyong bumuo ng pamilya at matapang na hinaharap ang mga kaakibat na consequences nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.