Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Vice takot malaos

0 548

NI: ARCHIE LIAO
Sa kanyang pinakabagong vlog na pinamagatang “Istorya Ko Na Di Nyo Alam” ibinahagi ni Vice Ganda ang kanyang pinagdadaanan sa panahon ng pandemya.

Sa loob ng halos na anim na buwan na lockdown, aminado siyang madalas siyang nakakaramdam ng takot lalo pa’t tila wala pa ring kasiguraduhan kung kailan matatapos ang krisis dala ng COVID-19.

Bukod sa natatakot siya sa virus, takot din daw siyang magkasakit.

Dagdag pa niya, takot din daw siyang mawalan ng trabaho at maging irrelevant.

“Yung thought na mawawalan ako ng platform para makapagpatawa at saka ýung fact na ýung supporters ko hindi ako makikita, hindi ko maririnig ang madlang people, takot na takot ako roon,” aniya.

Dagdag pa niya, kahit meron siyang noontime show na It’s Showtime, malaking dagok din daw para sa kanya ang pagsasara ng ABS-CBN lalo pa’t nawalan din siya ng GGV.

Samantala inamin din ni Vice sa online show ni Jaya na nasasaktan siya kapag tinatawag siyang mukhang kabayo nu’ng nagsisimula siya sa showbiz.

Super payat daw siya noon kaya naman marami ang nakakapansin sa kanyang hitsura.

Gayunpaman, hindi raw naging hadlang iyon para mawalan siya ng loob para magsumikap at gumawa ng pangalan sa industriya.

Maging sa comedy bar kung saan siya nagsimula ay naging mabenta raw ang kanyang kabayo jokes.

Katunayan, ginawa raw niya itong oportunidad para pagkakitaan.

Naging inspirasyon din daw ito para sa kanyang launching movie na ‘Petrang Kabayo’ na nagsimula ng kanyang karera bilang box office lead star sa comedy films.

Ngayon daw, kapag may mga namba-bash sa kanya, hindi na raw niya ito pinapansin dahil mas importante raw sa kanya ang may trabaho at pera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.